GMA Logo GMA News TV movies
What's Hot

DongYan film na 'You to Me are Everything,' mapapanood ngayong weekend sa GTV

By Marah Ruiz
Published April 9, 2021 5:24 PM PHT
Updated April 9, 2021 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

GMA News TV movies


Balikan ang cute na istorya ng 'You to Me are Everything' kasma sina Dingdong Dantes and Marian Rivera.

Ibalik natin ang kilig ng sa kuwento ng pelikulang You to Me are Everything, starring Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Si Marian ay si Iska, isang simpleng dalagang nabubuhay sa probinsya. Nang mamatay ang kanyang tunay na ama, mamanahin niya ang malaking bahagi ng yaman at mga negosyo nito.

Si Dingdong naman ay si Raphael, isang binatang galing sa yaman pero maghihirap nang madawit sa isang political scandal ang kanyang ama.

Paglalapitin sila ng tadhana nang tumira si Iska sa mansiyong dating pagmamay-ari nina Raphael.

Dahil hindi sanay sa buhay sa na 'di niya inaasahang mamana, kukunin ni Iska si Raphael bilang kanyang business manager.

Ano ang matutunan nila isa't isa? May puwang ba ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong sadyang magkasalungat?

Movies on GMA News TV

Alamin 'yan sa You to Me are Everything ngayong April 10, 11:00 am sa Sine Date Weekends.

Samantala, huwag din palampasin ang The Disaster Artist sa April 11, 9:20 pm sa The Big Picture.

Tampok dito ang magkapatid na James at Dave Franco at bibigyang buhay nila ang kuwento ng eccentric filmmaker na si Tommy Wiseau.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.