Showbiz News

Aiai Delas Alas, ipinagluluksa ang pagpanaw ng naka-discover sa kanya

By Dianara Alegre

Isa na namang mahal sa buhay ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang namayapa.

Nitong Biyernes, April 9, ay ibinahagi ng aktres ang kanyang pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang boss at naka-discover sa kanya.

Source: msaiaidelasalas (Instagram)

“Sobrang nalulungkot ako. Sya ang mahal kong boss kung hindi nya ko kinuha na sing along master sa music box hindi sana ko si aiai ngayun.

“Salamat boss Wowie sa opportunity na binigay mo sa aken, salamat sa friendship, salamat sa kabaitan mo saken.

"Salamat at ikaw ang unang naniwala samen ni Arnell Ignacio boss. Pahinga ka na. 'Till we meet again. I love you,” post ni Aiai sa social media.

Galing sa hirap ang comedy actress bago nakilala bilang si Comedy Queen si Aiai.

Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho muna siya bilang isang saleslady. Bukod dito, naging secretary din umano siya sa Bulwagang Gantimpala.

Napunta naman siya sa comedy bar at naging sing-along master nang madiskubre ng may-ari ng bar na mag-perform doon ng regular.

Naging kasabayan ng Owe My Love actress sina Arnell Ignacio at Allan K, hanggang sa na-discover na raw siya ng movie reporters noong mga panahong 'yon.

Sa kasalukuyan, isa na siya sa mga tinitingalang artista at performer sa entertainment industry sa bansa.

Dahil sa husay sa pagpapatawa at pag-arte sa napakarami niyang show at pelikula, nakuha ni Aiai ang titulong Comedy Queen.

Source: msaiaidelasalas (Instagram)

Silipin ang career ng nag-iisang Comedy Queen bilang Kapuso sa gallery na ito: