Article Inside Page
Showbiz News
Abangan si Sirena at ang kanyang magical underwater summer adventure sa 'Mako Mermaids,' simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!
Tila forever ang summer sa magical underwater adventure ng Mako Mermaids!
Makikipagsapalaran sa lupa ang mga mermaids na sina Sirena, Lyla at Nixie para hanapin si Zac Blakely, isang taong nagkaroon ng merman powers matapos mahulog sa sagradong Moon Pool.
Sa pagitan ng mapusok na si Lyla at pilyang si Nixie, si Sirena ang magiging peacemaker.
Sweet ngunit naive si Sirena. Malapit siya sa kapatid niyang si Aquata kaya matindi ang naging lungkot niya nang gawin silang outcasts ng mermaid pod na kinabibilangan nila. Dahil dito, siya ang pinakadeterminadong bawiin ang powers ni Zac para muling makabalik sa pod at makapiling muli ang kanyang kapatid.
May mga powers tulad ng telekinesis at pag-control ng anyo at temperatura ng tubig si Sirena. Bukod dito, kaya rin niyang mang-hypnotize gamit ang pag-awit.
Si Amy Ruffle ang gaganap bilang si Sirena. Isa siyang springboard diver noon kaya sanay siya sa paglangoy at pagsisid.
Abangan si Sirena at ang kanyang magical underwater summer adventure sa
Mako Mermaids, simula April 19, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 am sa GMA FantaSeries!
Samantala, kilalanin ang mga tauhan ng
Mako Mermaids sa gallery na ito: