Showbiz News

The Penthouse: Uhm Ki-joon as Dante

By Dianara Alegre

Malapit nang ipalabas sa GMA Network ang isa sa pinagkakaguluhang serye sa South Korea ngayon, ang The Penthouse.

Tampok sa The Penthouse ang mayayamang pamilyang nakatira sa 100-floor luxury apartment, ang Hera Palace. Marami ang nag-aasam na tumira sa marangyang apartment dahil bukod sa magandang amenities nito, dito rin nakabatay kung gaano kalakas ang impluwensiya sa lipunan ng residente.

Iikot ang istorya sa ambisyon ng mga karakter na maipasok ang kanilang mga anak sa prestihiyosong school for arts, ang Cheong-ah Arts School. Gagawin nila ang lahat para matulungang makapasok ang mga ito sa pinapangarap na eskweklahan kahit pa sa hindi patas na laban.

Pinagbibidahan ito ng ilang bigating South Korean stars kabilang na sina Eugene, Kim So-yeon, at Lee Ji-ah.

Ngunit hindi lamang ang tatlong lead stars ang pupukaw ng inyong atensyon dahil lahat ng karakter sa serye ay may istoryang kaabang-abang at nararapat lamang na subaybayan.

Isa na sa mga karakter na ito si Dante na gagampanan ni Uhm Ki-joong. Si Dante ang tuso at ganid na negosyanteng asawa ni Simone, karakter ni Lee Ji-ah.

Source: umkijoon_official (Instagram)

Sa ngalan ng pera at ng kanyang ambisyong maging angat sa lahat, gagawin niya ang kanyang makakaya kahit na mali para lamang makuha ang kanyang mga inaasam.

Mayaman si Dante, sa katunayan siya at ang kanyang pamilya ang nakatira sa ika-100 floor ng Hera Palace, patunay lamang na sila ang pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang pamilya sa naturang luxury apartment.

Hindi lamang limitado sa Hera Palace ang kanyang impluwensiya. Abot ang kanyang kapangyarihan sa iba't ibang institusyon, negosyo, at maging sa buhay mismo ng ibang tao.

Hanggang saan ang kayang gawin at isakripisyo ni Dante sa kapangyarihan, edukasyon, at ambisyon?

Abangan si Uhm Ki-joon sa The Penthouse, malapit na sa GMA!