
Nasa Los Angeles, California na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo para dumalo sa mga pre-pageant activities para sa nalalapit na Miss Universe 2020 pageant.
Pero pagpapakita ng kanyang angking ganda at talino, ibibida rin ng Ilongga beauty queen ang naggagandahang mga kasuotan na idinisenyo at nilikha ng mahigit 100 Pinoy fashion designers nationwide.
Ilan na rito ay ang kanyang pre-departure outfit na modern barong with pearl and crystal embellishments na tinernuhan ng black trouser o tinatawag na Holy Mother of Pearls ay collaboration ng designers na sina Chino Cristopherson at Mark Ramsay.
Source: rabiyamateo (Instagram)
Sa pagdating naman ni Rabiya sa Los Angeles, isang printed blazer dress na disenyo ni Nono Palmos ang suot niya.
Source: aces_and_queens (Instagram)
Ang outfit naman niya na blue green pantsuit with Filipiniana sleeves na pinalamutian ng pearls at seashells trimmings ay disenyo ni Marlon Tuazon.
Source: aces_and_queens (Instagram)
Dahil sa rami ng mga kasuotan at pagiging delicate ng mga ito nagpatulong pa umano ang mga stylist ni Rabiya na sina Rain Dagala and Em Millan sa professional organizer para masigurong well-packed, organize at labeled ang kanyang mga gamit.
Samantala, sa kanyang Instagram Stories ay nagbahagi ng ilang updates si Rabiya tungkol sa kanya.
“It's actually 5:00 a.m. here in Los Angeles. I woke up around 4:00 a.m. Maybe my body hasn't adopted yet to a different time zone. I'm really having a hard time coping up with my jet lag,” aniya.
Source: rabiyamateo (Instagram)
Aabot sa 80 kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo ang kalalabanin ni Pinay beauty queen para sa Miss Universe crown.
Gaganapin ang 69th Miss Universe pageant sa May 16 (Sunday 8:00 p.m. Eastern Time) o May 17 (Philippine Time) sa Hollywood, Florida, USA.
Kinoronahan si Rabiya sa first-ever Miss Universe Philippines 2020 pageant noong October 25, 2020.
Sa kasalukuyan ay mayroong apat na Miss Universe winners ang Pilpinas: sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Kilalanin si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa gallery na ito:
Related content:
Rabiya Mateo goes viral for 'Filipino resilience' comment