Showbiz News

Biritera, sinusubaybayan ng mga manonood

Biritera.

Mabilis itong naging usap-usapan ng mga manonood at consistent din ito sa pagkamit ng mataas na ratings.

Pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Glaiza de Castro, at pinakikilala ang bagong Kapuso child star na si Roseanne Magan, ang Biritera ay tungkol sa isang batang nangangarap na maging isang sikat na singer, at ang kaniyang pagtuklas sa kaniyang pinagmulan.

Simula nang umere ang Biritera noong February 6, patuloy itong namamayagpag sa ratings ayon sa datos mula sa mas pinagkakatiwalaang ratings service provider na AGB Nielsen.


Noong February 6 to 10, nakapagtala ang programa ng Kapuso Station ng 26.7 household rating points laban sa 19.5 points ng katapat na programa. Panalo rin ang Biritera sa Urban Luzon, na kumakatawan sa 77 percent ng urban television households sa buong bansa, matapos makakuha ng 25.0 rating points na mas mataas sa 21.2 ng kalaban.


Sa pagpasok ng ikalawang linggo ay lalong tumaas ang agwat sa pagitan ng Biritera at ng katapat nito sa ABS-CBN.


Mula February 13 to 17 ay nakakuha ito ng average household rating na 29.0 points sa Mega Manila higit na mas mataas sa 20.3 points ng kompetisyon. Gayon din sa Urban Luzon, nakakuha ang pambato ng Kapuso Station ng 26.6 points percent habang 22.1 points lamang ang sa katapat nitong show.


Base sa huling ratings report mula sa AGB Nielsen (February 20 to 24 based on overnight ratings), patuloy nang napagiwanan ng Biritera ang kalaban nitong programa. Nakakuha ng 24.6 points sa Mega Manila, mas mataas ng 20.0 points sa counterpart nito sa kbailang istasyon.


Nagpapsalamat ang cast, lalong lalo na ang batang si Roseanne na hayagang sinasabi na ang pagtulong sa pamilya ang pangunahing dahilan ng kaniyang pagsali sa showbiz, sa mainit ng pagtatangkilik ng sambayanan.


Ang Biritera ay isang produksyon ng GMA Drama Group sa ilalim ng mahusay na pamamahala ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes, na siyang nagdirek ng napaka-matagumpay na Munting Heredera.


Sa mga susunod na episodes, mahaharap sa iba’t ibang pagsubok si Roseanne (Roseanne Magan) ngayong bahagi na siya ng industriya ng musika. Matatanggal sa trabaho si Remy (Angelika dela Cruz) at mapapadpad ito sa isang business na pagmamayari ni Eric (Neil Ryan Sese). Samantala, panay pa rin si Iris (Gwen Zamora) sa pag-akit kay Andrei (Dennis Trillo) at hihingan pa nito ng tulong si Mikmik (Glaiza de Castro).


Kasama rin sa cast sina Angelika dela Cruz, Rich Asuncion, Ryan Eigenmann, Ces Quesada, Neil Ryan Sese, Gwen Zamora, Yul Servo, Kiel Rodriguez, Ken Chan, Orlando Sol, Sweet Ramos, Nomer Latog, Jr., Jamaika Olivarez, Kim Komatsu, Hiro Magalona, Barbara Miguel, Scarlet, at Patricia Ysmael.


Sundan ang mga kaganapan sa Biritera gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebebad. Maglog-on din sa Biritera official facebook page (facebook.com/Biritera) at twitter account (twitter.com/BiriteraGMA).