Showbiz News

Heart Evangelista, nais ibida ang ganda ng Sorsogon sa bagong serye

By Marah Ruiz

Ang upcoming teleserye na I Left My Heart in Sorsogon ang unang teleserye ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista sa loob ng tatlong taon.

Photo source: iamhearte IG

Matatandaang ang huling teleserye ni Heart ay ang My Korean Jagiya kung saan naging co-star niya ang K-pop star na si Alexander Lee. Umere ang serye mula 2017 hanggang 2018.

Kaya naman looking forward talaga si Heart na magsimulang magtrabaho muli para sa isang teleserye.

"I'm very very excited for that. I've been so so excited! It's been three years since my last soap so medyo kailangan ko na as an artist ng some kind of a release. I'm very very excited with that," pahayag niya sa isang online interview.

Ang I Left My Heart in Sorsogon ay isa sa 100 bagong programa ng GMA Network simula sa taong 2021.

Inilarawan ito ni Heart bilang "teleserye with a lot of Chanel."

Gaya ng nasa title ng palabas, magkakaroon ng ilang eksena sa probinsya ng Sorsogon kung saan nagsisilbing gobernador ang asawa ni Heart na si Gov. Chiz Escudero.

Pagkakataon daw ito para kay Heart na ibida ang ganda ng Sorsogon sa mga Pinoy viewers. Sa katunayan, may ilang mga lugar na siyang naiisip na ipakita sa serye.

"'Yung mga recently developed na mga lugar that Chiz worked on like the library, it's so beautiful. Definitely, I feel that's going to be in one of the scenes." pagtukoy ni Heart sa Sorsogon State College Library na minsan na niyang ipinakita sa kanyang Twitter account.

"Hopefully pati 'yung coastal road. Madami, 'yung mga beach, pili farms. Madami, so we're very very excited," dagdag pa niya sa mga lugar na nais niyang maging bahagi ng kanilang serye.

Ayon kay Heart, may plano din silang maglibot muna sa Sorsogon para makita ang iba't ibang mga lugar.

"I heard from the directors, there's going to be a day na iikutin lang namin lahat, no TF (talent fee) involved. We're just gonna keep filming the beautiful areas in Sorsogon para talang ma-showcase namin lahat," lahat niya.

Makakasama ni Heart si Kapuso leading man Richard Yap sa serye, pati na si Paolo Contis.

Samantala, silipin ang viral moments ni Heart at ng kanyang Chanel-inspired na mga pagkain sa gallery na ito: