GMA Logo Buboy Villar food business
What's Hot

Bagong business ni Buboy Villar mala-hugot ang tagline

By Bong Godinez
Published April 16, 2021 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Buboy Villar food business


Pinasok na rin ni 'Owe My Love' actor Buboy Villar ang food business. Alamin kung anu-ano ang kanyang ibinebenta DITO:

Hindi naging hadlang ang pandemya para lalong magsumikap ang aktor na si Buboy Villar.

Bukod kasi sa pag-aartista ay pinasok na rin ni Buboy ang food business sa pamamagitan ng pagtitinda ng pares.

Ang pares ay ang popular Filipino street food na kombinasyon ng braised beef, garlic fried rice at soup.

Sa Instagram post ni Buboy ay makikita ang aktor na may bitbit na pinamiling gatas at diapers habang nakatayo sa harap ng kanyang simpleng food stand.

Makikita rin ang nakakaaliw na tagline ng kanyang business na, “Kapag tumingin ka, kain ka.”

Sabi ni Buboy, “Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok.

“Eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo basta't sipag at tyaga lang. Hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa basta't parehas tayo tao at kaylangan natin mabuhay sa pang araw araw.”

Dugtong pa ni Buboy, “Alam kong hindi lang eto ang kaya ko.”

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

May dalawang anak si Buboy - Vlanz and George - sa ex-partner nito na si Angillyn Gorens.

Bagama't hiwalay ay patuloy naman ang komunikasyon nina Buboy at Angillyn para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

“At mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay,” sambit ni Buboy nang makausap ng GMANetwork.com noong nakaraang taon.

“Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”

Si Buboy ay kasalukuyang napapanood sa Kapuso romantic comedy series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Samantala, tingnan ang cute photos ng mga anak nina Angillyn at Buboy sa gallery na ito: