Showbiz News

Camille Prats mistakenly identified as Camille Trinidad of YouTube couple JaMill

By Nherz Almo

"Ibang Camille po iyon."

Ito ang paglilinaw ni Camille Prats-Yambao sa mga natanggap niyang mga mensahe ng suporta mula sa ilang netizens.

Kamakailan kasi ay pumutok ang balita tungkol sa problema sa relasyon ng YouTube star couple na JaMill, ang kilalang pangalan ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Sa kanyang Facebook post, ipinakita ng Mars Pa More host ang dalawang screenshot na nagpapakita ng mga mensahe sa kanya.

Sa katunayan, ang isa sa mga mensahe ay nagtanong na, "Ate kamusta kayo ni kuya jayzam... sana maging okay kayo ate."

Sa isang screenshot naman, nilinaw ng 35-year-old actress-TV host na wala siyang sinagot na kahit anong mensahe sa private messaging app.

Nakasulat sa umano'y edited na reply niya, "Ibang Camille po ata tinutukoy nyo. Masaya po kaming nagsasama ng asawa ko at wala kaming problema. Never siyang nagloko sakin."

Sa caption naman ng kanyang post, sinabi ng celebrity mom, "Hi everyone!!! 🙂 Been getting alot of private messages like these.😅 I was also getting tagged and my photo also being posted.

"Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion 🙈😆, ibang Camille po iyon.

"The convo on the right was EDITED. I didn't reply to anyone just like the message shown below. Appreciate your kind messages guys but you got the wrong 'Camille.'"

Si Camille ay happily married sa kanyang asawang si VJ Yambao. Mayroon na silang dalawang anak, sina Nala at Nolan. Mayroon din siyang nakatatandang anak sa yumao niyang asawang si Anthony Linsangan, si Nathaniel.

Silipin ang kanilang family bonding sa resort nila sa Batangas:

Samantala, narito ang ilang pang YouTube celebrity couples na nagkaroon ng problema sa kanilang relasyon: