
Usap-usapan ngayon ang pinakahuling pahayag ni Derek Ramsay tungkol sa paghihiwalay nila ng dating girlfriend na si Andrea Torres.
Ito ay naganap sa panayam sa kanya ng kilalang entertainment columnist at TV host na si Cristy Fermin sa online show niya noong Martes, April 20.
Sa naturang panayam, ibinahagi ni Derek ang dahilan ng kanilang breakup na, aniya, ay may kinalaman ang pamilya ni Andrea.
Sa exclusive interview ng GMANetwork,com sa hunk actor kahapon, April 22, tinanong namin si Derek kung bakit naisipan niyang magsalita tungkol sa breakup nila ni Andrea na nagtapos limang buwan na ang nakararaan.
Paliwanag niya, "I did not really speak about it. 'Di ako nagbanggit ng mga detalye, respeto ko 'yun kay Andrea and sa parents ni Andrea.
"It's just that Tita Cristy ask me the other day kung may kinalaman ba ang parents ni Andrea and I just answered honestly.
"Yes, I've always been honest. I didn't give the details."
Dagdag ni Derek, hindi lang naman ang pamilya ni Andrea ang dahilan ng kanilang paghihiwalay kundi pati ang kanilang magkaibang pananaw sa buhay.
"I'm not saying mali sila kung narinig n'yo po 'yung sagot ko.
"It's more of values namin, we're very different. I'm not saying my values are better than hers or hers is better than mine, mine is right and hers is wrong.
"It's just that we were brought up differently and that's what led it to break up because I don't want to change her, she doesn't wanna change me."
Nagsalita raw si Derek sa kagustuhang matuldukan na ang mga alegasyon na may kinalaman sa kanila ni Andrea dahil marami na raw ang naaapektuhan.
"Siguro nabanggit ko na kasi gusto ko na matahimik na lang, e,
"Kasi, I'm in a relationship now, I'm getting married, so I just want it all to be over and done with.
"I wake up every morning to all this stuff, 'di ba, about that, parang I guess I just I want to put it to rest para matapos na."
Diin pa niya, "A lot of lies and a lot of hurtful things have said about me, about my family.
"So I guess, it's more of like it was at that moment I was being very honest, true to Nanay Ciristy, who I trust naman vey much and that's why I answered her question."
Matapos ang isang taon nilang relasyon, kinumpirma ni Andrea sa isang statement noong November 2020 na hiwalay na sila ni Derek.
January 2021 unang napabalitang may namumuong relasyon sa pagitan ni Derek at kapwa celebrity na si Ellen Adarna.
Nagkakilala ang dalawa nang dumalo si Ellen, kasama sina Ruffa Gutierrez at John Estrada, sa dinner party na inihanda ni Derek sa kanyang bahay.
Matapos ang isang buwan, inamin ni Derek sa panayam ng pep.ph na in a relationship na sila ni Ellen.
Dalawang buwan pa lang ang relasyon nina Derek at Ellen nang mag-propose ang aktor sa sexy actress.
Ayon kay Derek, nakatakda silang ikasal ni Ellen ngayong taon.