Showbiz News

Gabbi Garcia, nagkuwento tungkol sa itinayong community pantry

By Aaron Brennt Eusebio

Ibinahagi ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia kung bakit niya sinimulan ang community pantry sa kanilang lugar sa Parañaque City.

Ayon kay Gabbi, naisipan niyang magtayo ng community pantry dahil sa unang naibalita na Maginhawa Community Pantry.

Pagbabalik-tanaw ni Gabbi sa panayam ni Nelson Canlas, "'Yung story kasi nung community pantry dito sa community namin, sa small community namin, I was watching '24 Oras' and I saw the Maginhawa Community Pantry.

"Kumakain kami non, nasa dining table kami, tapos sinabi ko sa parents ko na nakaka-inspire naman ['yung Maginhawa Community Pantry.] I want do something like the Maginhawa Community Pantry.

"The next day, napakadami ng community pantries ang nagawa. So after that, nung una, sabi ko, 'Sige, let's start small.'

"Meron kasi kaming regular na nagtitinda ng gulay dito sa village namin, pati ng sorbetes. Sabi ko, kunin ko na lang muna, bilhin ko na lang muna 'yung tinda nila for the day tapos 'yun 'yung ipamigay natin sa riders.

"So nung tumawag na 'yung daddy ko sa aming home owners association, 'yun pala, they were thinking to start also a community pantry.

"So nag-collaborate na kami. The next day, ginawa na namin. Naglatag na kami ng tent, and then nandoon na 'yung manggugulay, nandoon na si kuyang may tinda ng sorbetes."

Ayon kay Gabbi, karamihan ng mga kumukuha sa kanilang community pantry ay ang delivery riders na pumupunta sa kanilang lugar.

"'Yung mga riders, 'yung mga security guards, 'yung construction workers, particularly talaga 'yung riders, 'yung mga riders na naghahatid sa atin ng mga essentials sa ating mga bahay, sila talaga 'yung nakikinabang.

"And nakakataba ng puso kasi super nakaka-inspire. The reason I posted the photo is not to brag or i-broadcast. I want it to serve na parang 'yung naging experience ko with the Maginhawa Community Pantry na 'yung napanood ko, na-inspire ko.

"So, hoping ako na if my followers can see my post, sila rin ma-inspire kasi sa panahon ngayon, life is so hard, especially for our kababayans.

"Magtulong-tulungan na lang tayo. It's not the time to spread negativity, to spread hatred, and in our own little ways, ang dami nating pwedeng gawin to make someone's day."

Panoorin ang buong panayam ni Gabbi:

Bukod kay Gabbi, marami ring celebrities ang nagsimula ng community pantry sa kani-kanilang mga lugar. Kilalanin sila dito:

Kasalukuyang host si Gabbi ng lifestyle show na In Real Life. Bibida rin siya ngayong taon sa romance-mystery series ng GMA Public Affairs na Love You Stranger, kung saan makakasama niya ang kanyang real-life boyfriend na si Khalil Ramos.