Showbiz News

Marian Rivera, nag-enjoy sa music video shoot with Down To Mars

 

 
Sobrang nag-enjoy si Marian Rivera sa shooting ng music video ng "My Everything," ang carrier single ng grupong Down To Mars. Hindi man ito ang unang pagkakataong mapabilang siya sa isang music video, kakaibang Marian naman daw ang mapapanood dito.
 
“Sa totoo lang, hindi ako sanay na magganito. Pero sabi ko nga, 'What's new? Anong bago rito?' So, ito na yung something new and something na iba sa make-up. Kasi ngayon lang ako nagganito, so ibigay ko na yung todo sa kanila,” sabi niya during an interview right after the shoot. 
 
Hangang-hanga rin siya sa nasabing inter-pop group, at naniniwala siyang malayo ang mararating nila, especially since ang Down To Mars ang mismong nag-compose ng mga kanta sa album nila. Ika nga ni Marian, “Gusto ko mag-click sila, gusto kong maging successful ito. Siyempre, bilang parte ako ng [music video] na ito, sana kahit papaano makatulong ako sa kanila."
 
Marami rin ang nagulat ng sabihin ni Marian na walang kapalit na talent fee ang guest appearance niya dito, that she did it as support to her Tita Geleen Eugenio.”Si Tita Geleen ay napakalaki ng impluwensiya sa buhay ko, sa pagsayaw. Napakaliit lang na bagay ito para hindi ko maibigay sa kanya at sa mga alaga niya,” Marian shares.
 
Masaya rin niyang ibinalita sa press na mae-extend ang My Beloved, at lalong mas kaabang-abang ang mga kaganapan. “Pabigat nang pabigat ang mga eksena namin doon, at pahirap nang pahirap ang masalimuot na pag-iibigan nina Benjie at Sharina,” paglalahad ni Marian. Ayon din daw sa direktor nilang si Dominic Zapata, nagiging super heavy drama na ang naturang Telebabad show.
 
Nang tanungin naman tungkol sa lumabas na issue tungkol sa kanila ng My Beloved co-star na si Katrina Halili, isang pakiusap ang isinagot ni Marian. “Intindihin natin siya kasi siya mismo sinasabi niya na nahihirapan siya sa pagbubuntis niya. Kung mainit ang ulo niya sa mga staff and crew, kung mag-iinit ang ulo niya sa akin, siguro parte yun at hayaan na lang natin siya na maging sensitive,” she explains.
 
Catch Marian Rivera weeknights sa My Beloved sa GMA Telebabad!