
Hala Bira walk ang panlaban ng ating Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo.
Ito ang tawag sa signature walk na mapapanood natin kay Rabiya sa 69th Miss Universe pageant.
Photo source: themissuniverseph
Sa ulat ni Nelson Canlas ay ibinahagi ni Rabiya ang kaniyang paghahanda para sa kaniyang signature walk pati na rin ang iba't ibang paghahanda para sa nalalapit na Miss Universe pageant.
Ayon sa kuwento ni Rabiya, nasukat niya na ang susuotin niyang gowns sa pageant.
"My two gowns are very heavy so I really need to practice. Para mapag-aralan ko din kung paano ko siya ma-execute kasi pinaghirapan rin 'to ng mga kababayan nating designers."
Ibinahagi naman ni Rabiya ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mommy na naging dahil raw ng kaniyang pagsali sa mga pageant.
Saad ng beauty queen, "This is gonna be the biggest fight of my life at inaalay ko 'yun sa kaniya. Sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya sa akin."
Gaganapin ang 69th Miss Universe sa May 17 (Manila Time) sa Florida, United States.
Panoorin ang ulat ni Nelson Canlas dito:
Balikan ang ilan sa remarkable statements ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines.