GMA Logo youtube superstream
What's Hot

Ilang well-loved Kapuso shows, mapanonood sa GMA Network YouTube channel

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 4, 2021 4:17 PM PHT
Updated May 4, 2021 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

POC formally suspends PNVF following FIVB's ruling
Bianca Umali travels to Seoul
XU, CLI welcome DENR-10 resolution affirming rights to Manresa property

Article Inside Page


Showbiz News

youtube superstream


Bukod sa 'Magic Palayok' at 'Grazilda,' mapanonood rin nang libre sa YouTube ang mga pelikulang 'Kiko en Lala' at 'The Road' bilang parte ng ikatlong Super Stream.

Naaalala niyo pa ba ang nagsasalita at mahiwagang palayok, na nagpapasarap ng mga pagkaing niluluto dito, sa telefantasya ng GMA na Magic Palayok?

Good news dahil muling mapanonood ang full episodes ng Magic Palayok simula May 9 sa YouTube channel ng GMA Network bilang parte ng ikatlong 'Super Stream!'

Bumida sa Magic Palayok, na unang ipinalabas noong 2011, sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann, kasama ang child star na si Angellie Sanoy.

Umiikot ang istorya ng Magic Palayok kay Cookie (Angellie), ang may-ari ng mahiwagang palayok, na pag-aagawan nina Jude (Geoff), na isang mayamang restauranteur, at Pilar (Carla Abellana).

Kasama rin sa Magic Palayok sina Ms. Cherie Gil at Chynna Ortaleza. Si Manilyn Reynes naman ang magsisilbing boses ng mahiwagang palayok.

Bukod sa Magic Palayok, narito ang buong listahan ng mga TV show at pelikula na dapat abangan sa YouTube channel ng GMA Network para sa ikatlong "Super Stream" mula May 9 hanggang June 5.

TV Shows

Kakabakaba (2000)
Grazilda (2010)
Pepito Manaloto (2010)
Magic Palayok (2011)
Binoy Henyo (2013)
Dear Uge (2016)
Anak ni Waray vs. Anak ni Biday (2019)
Magkaagaw (2019)

Movies

Kiko en Lala (2019)
The Road (2011)

Nangyari ang unang "Super Stream" noong August 30 hanggang September 26, 2020.

Ang ikalawa naman ay noong December 6 to 27, 2020.

Bisitahin at mag-subscribe sa GMA Network YouTube channel para maging updated sa Kapuso shows at movies sa Super Stream.