Showbiz News

Lolit Solis, nagluluksa sa pagpanaw ni Ricky Lo

By Maine Aquino

Isa si Lolit Solis sa mga nagluluksa ngayon sa pagpanaw ni Ricky Lo.

Ayon sa balita ay nitong May 4 sumakabilang buhay ang kilalang entertainment editor and columnist. Si Ricky ay pumanaw sa edad na 75.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Lolit ang kaniyang lungkot sa biglaang pagpanaw ni Ricky.

"So very sad. So shock [sic]. Ito ang balita Salve that jolt my heart. So painful. RICKY LO is DEAD."

Ayon kay Lolit tila isang anghel ang muling nawala sa kaniyang buhay.

"Just like how sad noong nawala si Douglas Quijano, Bibsy Carballo, parang isa na naman angel sa buhay ko ang iniwan ako. Just like Douglas na Ms Amity, at ako si Amityville, ganyan din ang relasyon namin ni Ricky Lo."

Inalala naman ni Lolit ang kanilang naging pagkakaibigan sa kaniyang post. Saad niya sa kaniyang post, "Lagi akong kontrabida habang lagi niya ako binibigyan ng sermon 'pag umiiral ang kagagahan ko. Hindi ko malimutan noong scam na umiiyak siya habang pinapangaralan ako, umiiyak siya dahil baka maapektuhan ng kahihiyan sa ginawa kong scam ang mga anak ko. Mas affected pa siya kaysa akin.That was really the time na talagang nag marka sa akin how kind hearted at sincere friend si Ricky Lo."

Binalikan din ni Lolit ang kanilang magagandang sandali at masayang pagkakaibigan ni Ricky.

"A part of me died today, a part of my heart is broken. One of my best friends, guardians, angels left without saying goodbye."

"Pinagtatawanan namin dalawa na 75 years old na siya noon April, at 74 naman ako this May, line of 7 na dapat umabot ng 8 para mas maganda ang passing mark. Life is so fleeting, kaya good example sa akin ang pagiging madasalin at very religious ni Ricky."

Ayon sa post ni Lolit hindi na masyadong nahirapan si Ricky.

"Siguro nga, sobra siyang mahal ni God kaya kinuha siya ng hindi masyadong nahirapan sa sakit. Iyon nanghina lang siya dahil sa taas ng sugar, nakapag video call pa siya sa kapatid na si Susan [noong] Monday evening, at kinuha siya ng Tuesday."

Dugtong pa ni Lolit, "He was at peace. He was ready."

Nag-iwan naman ng mensahe si Lolit sa kaniyang kaibigan.

"Ricky, wherever you are, just wait, pagdating ko diyan guluhin na naman kita, ikaw na naman tagapagtanggol ko diyan. Hindi ako papayag na kayo nila Douglas [at] Bibsy ay iwanan ako nang walang guardian angel. Sleep well. I Love You. Salute. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻 #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako"

RELATED CONTENT:

Lolit Solis praises Andrea Torres for being "strong and intelligent"

Lolit Solis, may hula kung bakit iniwan ni Migo Adecer ang showbiz