GMA Logo alden richards
What's Hot

Lolit Solis, ikinumpara si Alden Richards kay Korean actor Jo In-sung

By Racquel Quieta
Published May 13, 2021 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Ano kaya ang pagkakatulad nina Alden Richards at Korean actor Jo In-sung?

Inihayag ng batikang entertainment news writer na si Lolit Solis ang kanyang paghanga kay Alden Richards, na ayon sa kanya ay lalong nagiging “yummy.”

Sa isang Instagram post, sinabi ni Lolit na tila habang tumagatal, mas lalong gumaguwapo ang Asia's Multimedia Star.

Ani Lolt, “Pag napapanood ko sa TV si Alden Richards parang lalo yata siyang nagiging yummy Salve.

“Meron nga siguro mga tao na habang tumatanda, lalo pang nararagdagan ang appeal at nagiging mas may character ang mukha.”

Ikinumpara niya si Alden sa ilang mga beteranong aktor sa industriya tulad nina Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez, at Rudy Fernandez.

Paliwanag ni Lolit, “Ganoon ang charms nila Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez, at ni Rudy Fernandez.

“Iyon nagkaroon ng mas macho appeal ng tumanda na sila, dahil noon mga bata pa sila, ibang charms ang dala nila.

“Ganoon ang quality ng pagiging guwapo ni Alden Richards. Habang tumatanda, lalo pang nagiging mas defined ang facial features niya.”

At ikinumpara rin ni Lolit si Alden sa paborito niyang Korean actor na si Jo In-sung.

Nakilala si Jo In-sung sa kaniyang lead roles sa K-Drama series na What Happened in Bali at It's Okay, That's Love.

At ayon kay Lolit, pareho sina Jo In-sung at Alden na lalong pumopogi habang tumatagal.

“Parang ang paborito kong si Jo InSung, lalo pang naging pogi ng maging 40, dahil ibang iba ang ang dating ng presence niya ng tumanda.

“Hay bongga, si Jo InSung naalala ko kay Alden Richards ha…”

Tingnan ang ilan sa mga astig looks ni Alden Richards sa gallery na ito.