Showbiz News

MJ Lastimosa trends as netizens commend her full support to Rabiya Mateo

By Dianara Alegre

Bukod sa pag-trend ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo kasabay ng Miss Universe pageant, nag-trend si former Miss Universe Philippines MJ Lastimosa dahil sa papuri ng netizens sa kanyang suporta para sa una.

Lumipad patungong Amerika si MJ para personal na mapanood ang prestihiyosong beauty pageant at pati na rin suportahan si Rabiya.

Sources: rabiyamateo (Instagram), rabiyamateo (Instagram)

Bukod din sa official 69th Miss Universe sites, sa social media pages din ni MJ makikita ng pageant fans ang updates sa performance ni Rabiya sa kompetisyon.

Dahil sa pagiging vocal ni MJ at sa todo nitong suporta kay Rabiya, hinangaan at kinagiliwan siya ng fans.

Post ng ilan sa mga ito:

Sa kasalukuyan ay naghahanda na para sa coronation night ang 74 kandidata para sa Miss Universe. Nitong Biyernes (Manila time) ay isinagawa na ang showcase ng national costumes at nitong Sabado (Manila time) ay idinaos na rin ng swimsuit competition at preliminary evening gown contest.

Sources: titasofpageantry (Instagram), Lazada/Miss Universe Organization

Samantala, silipin ang Miss Universe journey ni Rabiya sa gallery na ito: