Showbiz News

Kris Bernal, dahilan nga ba ng isang linggong tampuhan nina Mark Herras at Ynna Asistio?

Don’t Lie To Me segment ng 'Showbiz Central' noong nakaraang Linggo. Sinagot ng birthday girl ang mga intrigang kinasasangkutan niya, kabilang na ang tampuan nina Mark Herras at Ynna Asistio na di umano’y siya ang dahilan.
 
Question: Kino-consider ba ni Kris Bernal na magpa-enhance ng mukha or katawan in the future?
Kris’ answer: No
Lie detector says: Lie

Wala daw talaga siyang gusto ipaayos sa katawan niya kaya tinanong na lamang siya ni Sweet kung ano ang kanyang beauty secret. “Siguro masyado lang ako blessed ngayon,” sagot niya.  Inspired lang daw siya sa buhay kaya mukha siyang blooming.
 
Question: Sa iyong palagay, pinagseselosan ka ba ni Ynna Asistio?
Kris’ answer: No
Lie detector says: Lie

Hindi daw nababanggit ni Mark sa ka-loveteam ang tampuhan nila ni Ynna. Nang hingan siya ni Sweet ng mensahe para kay Ynna, ito ang nasabi niya. “Ynna, hello. Alam mong love kita.  Alam mo ring nirerespeto ko ang relasyon niyo at hindi ko rin ugali yung ganun, alam kong matagal na sila at nakita ko naman kay Mark at sayo na mahal niyo ang isa’t isa.  Kaya wala yun, huwag mong isipin yun.”
 
Question: Totoo ba ang usap-usapan na single ka ngayon pero ayaw mo na daw ng boyfriend.  Ang gusto mo daw yung magiging boyfriend mo ay yun na rin ang mapapangasawa mo?  Nagmamadali ka ba?
Kris’ answer: No
Lie detector says: Truth

Hindi daw siya nagmamadali at kung magkakarelasyon man daw siya muli, yung hindi na laro-laro at mature na dapat mag-isip yung magiging boyfriend niya.  “Masaya ako na single ako at hindi ko naman kailangan ng lalake lagi,” ika pa ni Kris ng tanungin kung desisyon ba niya ang maging single ngayon.
 
Abangan si Kris Bernal bilang Lira sa Hiram na Puso sa Dramarama sa Hapon, weekdays after Eat Bulaga, at sa Party Pilipinas tuwing Linggo.