Showbiz News

Mga klase sa mother tongue, available sa DepEd TV

By Marah Ruiz

Nagsimula na ngayong araw, May 24, ang opisyal na broadcast ng DepEd TV, isang digital channel ng GMA Network.

Libre itong mapapanood sa channel 7 ng GMA Affordabox at GMA Now, pati na sa ibang digital TV receivers bilang bahagi ng blended learing program ng DepEd o Department of Education.

Mapapanood ang episodes ng mga klase mula Lunes hanggang Sabado, 7:00 am hanggang 7:00 pm.

May iba't ibang timeslot din ang mga klase para sa bawat antas mula Grade 1 hanggang Grade 10.

20 hanggang 30 minuto ang takbo ng bawat episode ng mga aralin sa Filipino, Math, English at Science.

Ilang episodes din ang ieere sa mother tongue o wika ng iba't ibang rehiyon para mas madaling maintidihan ng mga mag-aaral ang mga klase.

Nagsimulang mag-test broadcast ang DepEd TV noong unang bahagi ng 2021.

Nabuo ang DepEd TV sa pagsasanib pwersa ng GMA Network at ng Department of Education bilang isang paaran ng paghahatid ng mga klase at leksiyon sa mga estudyante ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Layunin nito na makakaabot ang mga aralin sa mas marami pang mga mag-aaral, lalo na sa mga lugar na hindi posible ang online classes dahil mahina o hindi stable ang internet connection.