Showbiz News

Dingdong at Marian, sasalang sa GMANetwork.com Live Chat on May 29


Alamin ang sikreto ng pag-ibig na walang hanggan mula sa reel and real life couple na sina Dingdong Dantes and Marian Rivera as they drop by GMANetwork.com’s Live Chat studio on May 29.

Hindi man ito ang unang beses na makikipagchat sila sa mga fans but it has been more than three years since their last one, noong February 19, 2009 (http://www.gmanetwork.com/entertainment/webtv/livechat/videos/2009-02-19/7108/iGMA-Live-Chat-Isang-kilig-afternoon-with-Marian-and-Dingdong#list) kung saan magkasama sila sa teleseryeng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

This time, Dingdong and Marian play the roles of Benjie and Sharina in Telebabad’s My Beloved kung saan pilit silang pinaghihiwalay ng mga taong nasa paligid nila ngunit pinagtatagpo pa rin ng tadhana.

Sa pag-uumpisa ng teleserye, Dingdong is Arlan, ang natatangi sa lahat ng mga Sundo. Siya ang susundo sa kaluluwa ni Sharina ngunit maaawa siya dito at hahayaan niyang mabuhay ang dalaga. Dahil sa paglabag sa kanyang tungkulin, pinatawan siya ng parusang maging mortal sa pamamagitan ng katawan ni Benjie.  Bilang si Benjie, makikilala niya si Sharina at mabubuo ang pagmamahalan nila.

Si Marian naman ay si Sharina, ulila sa ama at iniwan ng ina noong bata pa sila ng kapatid niyang si Monica.  Mabait at mapagtimpi, tiniis niya ang lahat ng hirap na dinaanan sa mga mapang-aping kamag-anak.  Makikilala niya si Benjie ngunit ipagkakait sa kanila ang pagkakataon na makasama ang isa’t isa.

Sa kasalukuyan, may kanya-kanyang pamilya na sina Benjie at Sharina ngunit ang isa’t isa pa rin ang tinatawag ang kanilang mga puso.  Tuluyan na kayang mailalayo ni Nelson si Sharina mula kay Benjie? Mapipigilan kaya ni Emmie ang paghabol ni Benjie kay Sharina?

Bago niyo malaman ang susunod na mangyayari sa My Beloved, abangan muna ang pagbisita nina Dingdong at Marian sa Live Chat studio this Tuesday, May 29, from 12:00 to 1:30 pm.  Just log on to gmanetwork.com/livechat to be part of this special event.