Showbiz News

Willie Revillame, magpo-produce ng sitcom nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres?

By Dianara Alegre

Naka-set na ang showbiz comeback ng muti-awarded actor na si John Lloyd Cruz at una siyang mapanonood sa Wowowin kasabay ng big event ng isang e-commerce platform na gaganapin sa naturang show sa June 6.

Ngayong patuloy ang pag-ugong ng comeback ni John Lloyd, marami ang nag-aabang sa susunod na acting project niya.

Source: crownartistmgmt (Instagram)

Nitong Lunes, May 31, ibinahagi ng veteran showbiz columnist na si Lolit Solis sa isang Instagram post na may ipo-produce umanong sitcom para sa aktor at “mukhang si Willie Revillame” umano ang magiging producer nito. Bukod dito, ang Kapuso star na si Andrea Torres ang umano'y magiging katambal niya.

Aniya, “Bongga din si Willie Revillame, Salve. Mukhang siya ang magpo-produce ng sitcom nila John Lloyd Cruz at Andrea Torres.

“Kasi nga sila Willie at John Lloyd mukhang naging BFF mula ng dumalaw ang aktor sa Puerto Galera property ng TV host. Nag-bonding sila, nagpalitan siguro ng ideas, at heto, napag-usapan ang isang sitcom para sa aktor.

Binanggit din niya na posibleng ang direktor na si Bobot Mortiz ang magdirihe ng sitcom.

“Maganda ang project at sanay na mag-produce si Willie sa TV production, nandiyan si Bobot Mortiz kaya palagay ko wala ng hitch sa nasabing sitcom,” aniya.

Source: crownartistmgmt (Instagram), andreaetorres (Instagram)

Dagdag ng kolumnista, kung matutuloy ay magandang oportunidad ito para kay Andrea dahil isa si John Lloyd sa A-list stars sa bansa.

“Good project for Andrea Torres dahil isang A1 actor ang kasama niya, dagdag premium sa pagiging star ni Andrea.

“Dapat talagang mapanuod na si John Lloyd Cruz dahil matagal na rin naman siyang nagbakasyon sa pag-arte. Hintayin natin ang show na ito dahil very exciting. Bongga, muka stars hanggang producer, bongga talaga,” sabi pa niya.

Samantala, nang makapanayam ng 24 Oras nitong Martes, June 1, ibinahagi ng aktres na nagulat siya at natuwa nang mabalitaan ang mga usap-usapan tungkol sa umano'y planong pagpo-produce ni Wowowin host Willie Revillame ng proyektong pagbibidahan nila ni John Lloyd.

Pahayag niya, “Nagulat po and siyempre natuwa kasi he's a brilliant actor at fan din ako niya.”

Bukas din umano si Andrea sa posibilidad ng pagsasama nila sa isang proyekto. Dagdag pa niya, malaking karangalan para sa kanya ang makatrabaho ang multi-awarded actor.

“Sa mga interviews ko din lagi ko rin binabanggit na isa siya sa mga gusto kong makatrabaho. So, if ever po malaking honor po 'yun for me,” aniya.

Habang wala pang kumpirmasyon tungkol sa proyektong ito, abala muna si Andrea sa taping ng kauna-unahang Kapuso cultural drama na Legal Wives, na pinagbibidahan din nina Dennis Trillo, Alice Dixson, at Bianca Umali.

Sa kasalukuyan ay wala pang anumang kumpirmasyon tungkol dito.

Matapos ang halos limang taong showbiz hiatus, pumirma ng management contract ang dramatic actor sa Crown Artist Management ng aktres na si Maja Salvador.