Showbiz News

Anak ni Marc Pingris, 'nagdamdam' sa pagre-retire niya sa professional basketball

By Dianara Alegre

Matapos ang 16 taon ay nagretiro na sa professional basketball ang tinaguriang “Pinoy Sakuragi” na si Marc Pingris nitong May 25.

Nitong Lunes, May 31, nag-guest si Marc at ang asawa nitong si Danica Sotto-Pingris sa morning talk na Unang Hirit at nagbahagi sila ng ilang detalye tungkol sa retirement ni Marc.

Source: jeanmarc15 (Instagram)

Ayon kay Danica, sa huling dalawang taon ay nabanggit na raw ni Marc ang tungkol sa pagreretiro ngunit ngayong taon lamang ito nakapagdesisyon.

“Sinasabi niya na… Actually, the past two years nababanggit niya na kasi parang even before sinasabi niya na I will retire at this age. Kasi si Marc sobra siyang planner.

“Dapat by this time may ganito na ako, may ganyan na ako.

"I just thought that he would have like one last hurrah or one last run itong year.

“'Tapos, when he got back from the province, 'yon nagulat ako parang… alam ko pag-iisipan na niya, pero 'di ko inakala na ganun kabilis.

"Sabi niya pag-uwi niya, 'Okay na ako,'” kwento ni Danica.

Nabanggit naman ng basketball player na hindi napigilan ni Danica ang maiyak nang malaman ang desisyon niya.

“Nasasabi ko na naman kay Danica but I think nabigla kita [Danica] dahil nung umuwi ako from Pangasinan, nasabi ko na kina coach pero hindi mo pa alam. So, umiyak siya,” aniya.

Source: danicaspingris (Instagram)

Samantala, natanong nina Unang Hirit hosts Suzi Entrata-Abrera at Lyn Ching kung ano ang naging reaksyon dito ng mga anak nilang sina Anielle Micaela at Jean Michel.

“'Yung daughter namin para siyang ano… 'I thought I can still watch daddy'.

"Although alam naman niya na bawal because of the pandemic. Pero parang gusto niya lang mapanood sa TV,” kwento ni Danica.

Medyo nagdamdam naman daw ang panganay nina Marc at Danica.

“Si Mic since siya 'yung into basketball, he's 12, siya 'yung medyo nagdamdam talaga.

"Naiiyak siya na, 'I really want to see you pa one more time,'” sabi pa ni Danica.

Source: danicaspingris (Instagram)

Nitong May 25, inanunsiyo ng 6-foot-4 power forward ang kanyang retirement sa social media.

Aniya, “I remember my name being called during the 2004 PBA Draft. Doon nagsimulang matupad ang pangarap ng isang batang palengke.

“[Sixteen] years na din ako sa PBA [Philippine Basketball Association] pero alam ko na ngayon na din ang tamamg panahon para umpisahan ang bagong chapter ng buhay ko.”

A post shared by Marc Pingris (@jeanmarc15)

PBA stars pay tribute to Marc Pingris after announcing his retirement

Samantala, tingnan ang mga matatamis na larawan nina Danica at Marc sa gallery na ito: