Showbiz News

Ruby Rodriguez, nagsalita na kung bakit hindi na siya napapanood sa 'Eat Bulaga'

By Aedrianne Acar

Binasag ng TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez ang kanyang pananahimik at nagsalita na kung bakit hindi na siya napapanood sa longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Nagpaunlak ng panayam si Ruby sa ilang entertainment press via video conference kung saan pormal siyang winelcome ng Viva Artist Agency bilang bago nilang talent.

Marami rin ang nagulat nang inanunsyo ng aktres na nasa Amerika na siya at nagta-trabaho sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.

Kasalukuyang napapanood si Ruby sa romcom series na Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Nilinaw agad ng celebrity mom na hindi siya umalis sa multi-awarded noontime show.

Pahayag ni Ruby, “With Bossing (Vic Sotto) and Poleng (Pauleen Luna), noong pina-plano ko pa lang 'to, pati 'yung pag-aapply ko ng trabaho alam na nila. Because they are my closest friends, they already know.

“The others do not.”

Ilan lang din sa mga kapwa niya Dabarkad ang nasabihan niya tungkol sa kanyang plano.

Dagdag niya, “And then the girls, I opened up with Luane (Dy) na plano ko nga, kasi nga sa anak ko ganyan. Pero sila-sila lang 'yung mga nasabihan ko, sila Allan K.

“So, hindi kami talaga nakapagpaalamanan kasi nga nagbu-Bulaga pa naman nung March noong biglang nag-pandemya.

“Paano ka magpapaalam sa kanila?

“Tapos noong nakausap ko si Boss, hindi pa ako nagfa-file ng leave. Plano pa lang, verbal pa lang 'yung agreement pa lang namin, kasi ifa-file ko 'yung leave ng March 2020, kung aalis na ako. E, hindi pa naman ako umaalis, so bakit ako magfa-file. Kasi, I was going to file it a month before I leave.

“'Yung mga tanong ng iba: 'Tinanggal ka ba o ikaw ang umalis?'

“Actually, hindi ako umalis, kasi nagpaalam ako na magle-leave of absence lang ako.

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, 'You will always have a home here in Eat Bulaga'.

“At siyempre inasahan ko 'yun, so when they started to go on air, it's their decision kung sino pababalikin nila. So, hindi ko alam. Ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi, ay sila.”

Sa kabila ng nangyari na hindi na siya napapanood sa noontime show kung saan ilang dekada siya nagsilbi, nire-respeto naman daw ni Ruby ang desisyon ng management ng Eat Bulaga.

Paglalahad ng Owe My Love star, “That's why I always say: please ask them I dunno how will they answer… So hindi ko alam 'yung desisyon nila, but it's management decision and we always respect that.”

Binigyan-diin naman ni Ruby Rodriguez na kahit wala na siya sa Bulaga ay nanatili pa ring bukas ang linya ng komunikasyon niya sa mga dating katrabaho--lalo na kay Pauleen Luna.

Matatandaan na naging Matron of Honor ni Pauleen si Ruby nang ikasal ito kay Vic Sotto taong 2016.

Kuwento ni Ruby, “When the pandemic started, we were all separated already, I mean you know, when they were back on-air, we were on the side, you know, we were never called back.

“Maybe, because I already talked to the management that I'm supposed to leave, nanghingi nga ako ng LOA (leave of absence).

“Maybe, you know, it was done that way. We're far apart, I'm not doing the hosting gig anymore there in Eat Bulaga, but we still talk. 'Yung mga host, I mean regularly, we still text, we still talk to each other.

“Especially, my friend, of course, Pauleen and I talk to each other all the time.”

Alamin ang buong detalye kung bakit kailangan umalis ni Ruby Rodriguez papuntang Amerika, kasama ang anak niyang si Don AJ sa video below.

Heto naman ang ilan sa mga celebrity na dating dabarkad sa Eat Bulaga sa gallery below.