Showbiz News

Muhlach family, nagpabakuna na ng COVID-19 vaccine sa Muntinlupa

By Aedrianne Acar

Dahil marami pang Pinoy ang natatakot na magpabakuna, minarapat ng pamilya nina Aga Muhlach at dating beauty queen na si Charlene Gonzalez-Muhlach na ibahagi ang kanilang experience nang magpabakuna kontra COVID-19 silang lahat sa syudad ng Muntinlupa.

Ayon sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) noong April 28 to May 2 sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa, 32% lamang ang gusto magpabakuna. Samantala, 33% na sumagot sa survey ang ayaw.

Base sa Facebook post ng Muntinlupa City government, sabay-sabay na nagpabakuna sina Aga, Charlene at kanilang twins na sina Andres at Atasha.

Sabi sa post, “TINGNAN: Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mga Major Hubs ng lungsod, nagrerehistro sa MUNCOVAC online, at makatatanggap ng confirmation text ng inyong schedule, oras, at mga dapat dalhin, layunin nito ay upang maiwasan ang WALKINS. Bukod sa City Health Office ay katuwang ang iba't-ibang tanggapan na tumutulong para maging maayos ang sistema. Isa ang pamilya ni Aga Muhlach na sumailalim sa Step by Step line at registration, naganap ang pagbabakuna sa Festival Mall Underground Parking, kasabay nila ang iba't-ibang tao mula sa Alabang, Ayala, atbp. Taos-pusong pasasalamat ang kanilang ipinaabot sa Pamahalaang lungsod.”

May separate Instagram post din si Charlene, kung saan inengganyo niya ang mga tao na qualified na makatanggap ng COVID-19 shots na magpabakuna na para sa madaling panahon ay makamit ng bansa ang tinatawag na "herd immunity."

Ani Charlene, “First shot done of Astra Zeneca.. Thank you MunCoVac & Muntinlupa City for the seamless and easy vaccination process. Encouraging everyone to get vaccinated towards achieving herd immunity. 🇵🇭 Let's protect our loved ones by getting vaccinated 🇵🇭 Maraming Salamat ❤️

“🇵🇭Register now in your LGU 🥰 #letsgetvaccinated #vaccinessavelives #ItWasNotPainfulAtAll 😊#BakunadongMuntinlupeño.”

Source: itsmecharleneg (IG)

Heto naman ang iba pang celebrities na pinili na magpabakuna kontra sa nakakahawang novel coronavirus disease sa gallery below: