Showbiz News

Beauty Gonzalez, kumpirmado na ang paglipat sa GMA?

By Marah Ruiz

Malakas ang mga bulung-bulungan na lilipat ng bakuran ang aktres na si Beauty Gonzalez.

Matatandaan noong 2018, may mga ispekulasyong magiging Kapuso talent na si Beauty. Ito ay matapos mapabalita na bumista siya sa GMA Network Center para kausapin ang ilang Kapuso executives.

Nagkaroon din si Beauty ng guest appearance sa game show na Celebrity Bluff na lalong nagpa-init ng haka-haka ng marami.

At ngayong araw, kumpirmadong mapapanood na nga sa GMA network ang Spanish-Filipina actress sa isang bagong soap.

Ano nga ba ang dahilan ng paglipat ni Beauty? Sino kaya ang magiging leading man niya sa kanyang unang Kapuso drama?

Manatiling nakatutok sa GMANetwork.com para sa karagdagang impormasyon tungkol kay Beauty Gonzalez.

Samantala, tingnan ang mga celebrities na nagbalik-Kapuso at ang kanilang mga programa ngayong taon: