Showbiz News

Annabelle Rama, takot nga ba sa anak na si Raymond Gutierrez?

Don’t Lie To Me segment sa Showbiz Central. Isa-isang binigyan linaw ng Gutierrez matriarch ang mga isyung kinasasangkutan niya ngayon, kabilang na ang di umano’y pagpasok niya sa pulitika.
 
Question: Totoo ba na sa lahat ng anak ninyo ay takot daw kayo sa Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez?
Annabelle’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
“Si Raymond kasi tahimik lang yan, pero once sumagot yan sakin at tsaka mag-reason out, parang talaga siyang galing sa Amerika, para bang wala ka ng pakialam sa buhay ko, something like that, pero nakikinig naman yan sa akin,” paliwanag niya.  Matindi daw kasi ang English ni Mond kaya minsan hindi na naiintindihan ng kanyang ina at yes na lang daw ito ng yes.
 
Question: Totoo ba na mas malaki ang komisyon na kinukuha mo sa iyong mga alaga kumpara sa ibang mga manager?
Annabelle’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
Kalahati lang daw ng kinukuha niyang 30% ang napupunta sa kanya. “Kasi yung kalahati, pinapaaral ko sila ng acting, pinapaaral ko sila ng dancing, mga pictorial,” sagot ni Tita Annabelle.  Mahirap daw mag-build up ng isang artista, kaya kailangan talagang gumastos para dito.
 
Question: Desidido ka na ba na pumasok sa pulitika next year?
Annabelle’s answer: No
Lie detector says: Lie
Noong una daw ay excited talaga siya pero ng umoo na ang mga nagbabawal sa kanya, napaisip na rin daw siya. “Pinag-iisipan ko at pinagdadasal ko kung talagang tama ba ang tatakbuhin ko sa bagong mundo na yun kaya right now undecided talaga [ako],” pagbibigay linaw ni Tita Annabelle ng tanungin kung bakit bigla siyang naging apprehensive.  Plano din daw siyang mag-aral muli para hindi naman siya maging ignorante sa pagpasok sa pulitika.

Abangan kung sino ang mga susunod na uupo sa showbiz hotseat ng Don't Lie To Me, hosted by John 'Sweet' Lapus, sa Showbiz Central tuwing Linggo ng hapon.