Showbiz News

Celebrities, entertainment workers, kabilang sa A4 priority group na makatatanggap ng COVID-19 vaccine

By Jansen Ramos

Sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga essential worker na kabilang sa A4 priority group sa NCR.

Kabilang diyan ang media personalities at entertainment workers bilang parte ng 'Ingat Angat Bakuna Lahat' campaign initiative ng Task Force T3.

Ngayong araw ng kalayaan, June 12, isasagawa ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa Ateneo De Manila University sa Quezon City, SM Megamall sa Mandaluyong, at Venice Grand Canal Mall sa Taguig para sa nasabing grupo.

Tinatayang 1,300 vaccines ang inilaan ngayong araw para sa mga media, aktor, performer, at TV/film/theater production staff and crew.

Sa tekstong nilagdaan ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 secretary Carlito Galvez, Jr., kabilang ang mga talent at staff and crew ng GMA Artist Center, GMA News, GMA program na Amazing Earth, at mga miyembro ng liga ng mga aktor na AKTOR na pinangungunahan ni Dingdong Dantes sa mga mababakunahan kontra COVID-19 ngayong Sabado.

Sa Instagram, ipinaghayag ng Kapuso actor ang kanyang excitement dahil matatanggap na niya ang kanyang first dose ng COVID-19 vaccine.

"Relax relax muna at medyo kinakabahan at excited na ako bukas dahil nakakuha na kami ng COVID-19 vaccine slots!

"Kabilang ang entertainment workers sa A4 category, at kailangang kailangan na talagang magpabakuna ang mga palagiang lumalabas para magtrabaho.

"Ito ay karagdagang pag-iingat at proteksyon hindi lang para sa akin, kundi para sa aking pamilya, sa aking mga ka-trabaho, at komunidad," sulat ni Dingdong sa kanyang caption, kalakip ang #IngatAngatBakunaLahat.

Narito ang iba pang organisasyon, ahensya, at grupong makikilahok sa kampanyang 'Ingat Angat Bakuna Lahat:'

Mowelfund, Actor's Guild, Theater Actor's Guild, Inter Guild Alliance, National Live Events Coalition, PPL entertainment, Philippine Movie Press Club, VIVA Entertainment, ABS CBN, OPM, CMB Film Services Inc., APT Entertainment, Cornerstone, Artists Backroom, at iba pang talent management agencies ang entertainment guilds