Showbiz News

Sarah Lahbati, sangkot nga ba sa hiwalayang John Prats at Bianca Manalo?

Ang pinakabagong leading lady ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati ang nasa hot seat ng Don’t Lie To Me segment ng Showbiz Central noong nakaraang Linggo. Walang takot na sinagot ng Starstruck V Ultimate Female Survivor ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon, kabilang na ang napapabalitang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina John Prats at Bianca Manalo.
 
Question: Totoo ba na parang prinsesa raw ang trato sa iyo ni Richard Gutierrez sa set ng Makapiling Kang Muli?
Sarah’s answer: Yes
Lie detector says: Truth
“Actually katulad ng sinabi mo, yun nga ang pinakagusto ko sa kanya.  Talagang maalagain sa mga katrabaho niya at he’s very, very professional at lahat ng katrabaho niya, pati staff, inaaalagaan niya,” sagot ni Sarah sa tanong ni Sweet kung bakit niya nasabing parang prinsesa ang trato sa kanya ni Chard. “Well, first of all, I’m very glad na sa wakas nakatrabaho kita, and I’m excited sa mga next tapings dahil marami tayong madudugong eksenang kukunan, but then marami din akong natututunan sayo,” mensahe niya kay Richard, who plays Martin in the said teleserye.
 
Question: Sa pagkakaalam mo, nai-insecure ba si Ms. Carla Abellana sa rivalry niyo bilang dalawa kayong leading ladies ni Chard sa Makapiling Kang Muli?
Sarah’s answer: No
Lie detector says: Truth
Wala naman daw dahilan si Carla para ma-insecure sa kanya. “Kilala naman natin si Carla, she’s very nice and napaka-humble, walang ganun-ganun sa kanya, so wala talaga,” Sarah explains.
 
Question: Sa iyong tingin at pakiramdam, ikaw ba ang naging dahilan ng hiwalang John Prats at Bianca Manalo?
Sarah’s answer: No
Lie detector says: Truth
Nang tanungin ni Sweet kung paano nadamay ang pangalan ni Sarah sa issue, ito ang naging sagot ng Kapuso star. “Honestly I really don’t know kung saan nanggaling. Nung first time na tinanong sa akin kung ano ang masasabi ko kasi ako daw yung reason, natawa lang ako kasi parang ‘Buti pa kayo alam niyo!’” paglilinaw ni Sarah.  Huli daw silang nagkita ng aktor two years ago sa isang fashion show ng clothing brand na pareho nilang ine-endorse.
 
Abangan ang pagganap ni Sarah Lahbati bilang Graciela sa Makapiling Kang Muli, weeknights pagkatapos ng Luna Blanca.  Mapapanood din siya tuwing Linggo sa Party Pilipinas.