Showbiz News

Kris Bernal, dahilan nga ba ng madalas na pag-aaway ni Mark at Ynna?

Startalk TX with Mark, Kris and Ynna, aired last Saturday(June 9),  nilinaw ng tatlo kung totoo nga bang nagseselos si Ynna kay Kris.

Noong June 5, GMA Artist Center threw a party for Kris sa 7thHigh bar sa The Fort. Dumalo ang mga close friends ng actress, in and out of showbiz.

No show sa party ang ka-loveteam ni Kris na si Mark, at ang kasintahan nitong si Ynna Asistio, kaya’t lalo pa tuloy umigting ang issue na madalas nag-aaway ang dalawa dahil kay Kris.

“Imbitado po si Mark, at si Ynna syempre. Kaya lang, nakakalungkot, nagtext sa akin si Ynna na parang nagka-problema lang daw po sa family. So 'di po daw sila makakapunta ni Mark,“ kwento ni Kris.

Tinanong naman ng Startalk TX si Ynna, kung nagselos nga ba ito ng minsang dalhan ng pagkain ni Mark si Kris sa taping ng kanilang series na Hiram na Puso. “One time, naalala ko na 'di ko alam na pinadalhan niya ng pagkain si Kris sa taping. ‘Yon lang, tapos nagtanong ako (referring to Mark),” nakatawang sagot ni  Ynna.

Inamin din ng actress na nagselos ito nang marinig ang balita. “Hindi naman talaga ako nagselos. Nasaktan lang talaga ako, or siguro nga, talagang nagselos ako,” pagtatapat ni Ynna.
 
Ang paliwanag ni Kris

Sa panig naman ni Kris, mahinahon nitong ipinaliwanag kung ano nga ba ang totoong nangyari sa taping, at kung totoo nga bang nagpadala sa kanya ng pagkain si Mark. “Kasi noong mga oras na iyon, nagda-diet po ako. Tapos, sinabi ko po na gusto ko ng ceasar salad. Tapos ayon nagulat ako, binilhan niya ako ng ceasar salad, na dalawang box! ‘Yon na daw ‘yong pang dinner and pang lunch. Ayon, pinagtiyagaan ko ‘yong ceasar salad. Tapos sabi ko, ‘Mark Herras, thank you! Thank you for the surprise food!’ ‘Yon 'di ko naman akalain syempre, at 'di ko rin napapansin na mayroong tao na pala akong nababangga or whatever. Pero wala ‘yon,“ explains Kris.

Sinabi pa ni Kris na tinext niya agad si Ynna upang magpaliwanag hinggil sa lumabas na issue sa kanila ni Mark. “Tinext ko siya, sinabi ko, kung ano man ‘yong lumalabas na issue sa amin ni Mark. Ynna! ‘Wag mo please isipin, dahil wala talaga,” pagpapaliwanag ni Kris.
 
Kris thinks that Mark is a boyfriend material


Wala man si Mark sa party ni Kris, very happy naman daw ito sa regalo sa kanya ng ka-loveteam.

“Natuwa ako sa kanya kasi, niloko ko siya one time na ‘Mark, regaluhan mo naman ako ng mga Hello Kitty!’ Binilhan naman niya ako ng limang unan na Hello Kitty  na malalaki,” masayang ikinuwento ni Kris.

Tinanong ng Startalk TX si Kris kung posible ba itong madevelop kay Mark kung sakaling single ang actor. “Pwede. Pwede naman po, kasi mabait naman po si Mark, at gentleman. Ang gusto ko po sa kanya ay mahilig po magpatawa. ‘Pag humihirit siya, ‘yong tawa ko parang wala nang  bukas. Siya naman, aliw na aliw siya sa akin ‘pag napapatawa niya ako ng ganun. OO, pwede naman, lahat naman posible eh,”  ang sagot ni Kris.
 
Mark, masaya sa kanyang relationship with Ynna

In a live interview with fearless Startalk TX Host Butch Francisco, matapang namang sinagot ni Mark at nilinaw kung ano nga ba ang puno’t  dulo ng pagseselos ng kanyang girlfriend na si Ynna. “Actually, hindi siya considered as tampuhan. Nagselos si Ynna, kay Kris at doon sa loveteam. Pero 'di ko siya kino-consider as tampuhan talaga,” ayon kay Mark.

Nang tanungin ni Butch si Mark hinggil sa pagbibigay ng salad sa actress, agad na itinanggi ng actor na sa kanya ito nanggaling. “Kasi ‘yong salad, ‘di naman talaga sa akin nanggaling ‘yon, sa production galing ‘yon. Syempre, ‘yong  ginagawa namin, para sa loveteam namin ni Kris. Natutuwa kami sa aming mga fans na , ‘Oy! Magsend naman kayo,  or magpicture naman kayo together!’  Para lang syempre kiligin sila, “clears Mark.

Nilinaw din nito na professional ang kanilang relasyon ni Kris. “Iyong special na nakikita nila, kasi iyon ‘yong trabaho namin ni Kris sa Hiram na Puso, sobrang professional lang. So kung ano ‘yong nakikita ng ibang tao on screen, na may sweetness kami ni Bernal, hindi kami ‘yong ‘ O, dapat sobrang special tayo sa isa’t-isa!’ Hindi kasi kami ganun. Siguro kasi, being professional lang kami sa trabaho namin, at ginagampanan lang namin ‘yong trabaho namin.”  

Tila nahirapan  naman si Mark sagutin ang katanungan ni Butch, kung posible ba siyang madevelop sa ka-loveteam niyang si Kris kung single ito. “Actually Tito Butch, si Kris ay 'di naman mahirap pakisamahan. Napakabait na tao ni Kris, and at the same time, hindi mahirap na katrabaho si Kris. Siguro, kung wala naman (relationship), posible,” nakangiting sagot ni Mark.

Nagbigay din ng mensahe ang aktor sa ka-loveteam, “For Kris, kaya natin ‘to, at sana’y makita mo na ‘yong taong magpapasaya sayo para tigilan ka na ng mga issues.”
       
Sa kabilang banda, Mark assured Ynna na work lamang ang namamagitan sa kanila ni Kris. “Actually kuya, ‘yong relasyon namin ngayon napaka-steady at napakasaya. I mean, 4 years na kami, at ‘yon ang pinakamatagal ko na relationship sa buong buhay ko. Ito ‘yong pinakamatagal ko, and I’m happy na lalong nagiging mas matatag ang relationship namin. ‘Yong  issues kasi, 'di naman nawawala ‘yan. Parte ‘yan ng buhay namin at parte ‘yan ng relasyon. Ang nakakatuwa lang is, lalong tumitibay  ang relationship namin.“ 
 
Panoorin si MarkHerras at Kris Bernal sa Hiram na Puso, Monday to Friday, after Eat Bulaga.