Showbiz News

Sef Cadayona at Mikee Quintos, bibida sa prequel ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar

Kung minahal n'yo ang pagganap nina Michael V. at Manilyn Reynes bilang Pepito at Elsa sa Pepito Manaloto, puwes, tiyak mapapamahal din kayo kina Sef Cadayona at Mikee Quintos na bibida sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Sa panayam sa dalawa ng 24 Oras ngayong Miyerkules ng gabi, June 16, umamin si Sef na halo-halo ang emosyon niya nang sabihin na siya ang gaganap na young Pepito.

Aniya, “Nagsabay-sabay 'yung takot, 'yung nerbyos, 'yung kaba na sobrang saya. Hindi ko ma-explain, pero very grateful.”

Tinawag naman ni Mikee na “powerful” ang makakasama nilang artista sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

“Yung cast is very powerful! And I'm so excited to learn from them about comedy.”

Kahit napakalaking proyekto ang gagawin nilang prequel ng award-winning sitcom, ginagabayan naman daw sila ng kanilang direktor na si Bert de Leon pati din nina Michael V. at Manilyn.

Malaking tulong ayon kay Sef na nakakasama niya si Michael V. sa Bubble Gang at si Mikee naman naka-trabaho na si Manilyn sa The Lost Recipe at Dear Uge para mapag-aralan ang kanilang kilos.

Binigyan-diin ni Sef na hindi daw sila nakaramdam ng pressure mula sa original cast ng Pepito Manaloto.

Kuwento niya kay Lhar Santiago, “Hindi nila tayo binigyan ng pressure, no? Actually, parang nagbigay pa nga sila na huwag kayo mag-aalala, iga-guide namin kayo.”

Sinegundahan din ito ng bagong kapareha, “They're very supportive, the original cast when we actually did the story con, nakasama po namin sila Tito Lhar nung nagka-storycon kami and we got the chance to ask a few questions about the characters na we're gonna play and naging very welcoming naman sila.”

Higit na kilalanin ang gaganap na young Pepito na si Sef Cadayona sa gallery below: