Showbiz News

Barbie Forteza, binalaan ni Sassa Gurl?

By Racquel Quieta

Ang internet sensation na si Sassa Gurl ay nag-post kamakailan ng TikTok video na may babala sa Kapuso stars na si Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sa nasabing TikTok video, ipinakita ni Sassa Gurl ang article tungkol sa kanyang unang Wish Ko Lang episode guest appearance kung saan nakasama niya sina Ruru Madrid, Angela Alaracon, at iba pa.

“Oh 'di ba? So, ito na nga. Na-feature ako sa GMA Network,” ani Sassa Gurl. “Lagooooot! 'Di ba? Hindi n'yo kaya. May balita na sa'kin.”

Pagkatapos ay biglang may sinabi siya tungkol sa Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto.

“So, naaalala n'yo 'yung news kay Barbie Forteza at saka Jak Roberto, na laging pinopost ng GMA Network?

“Kabahan na kayo Barbie Forteza at Jak Roberto dahil ako na. Ako na ang binabalita ng GMA. Lagot!”

@itssassagurl

Lagot kayo

♬ original sound - Sassa Gurl

At kahapon ay nag-post na ng reaksyon si Barbie sa mga pahayag ni Sassa Gurl.

Nag-post rin ng TikTok video si Barbie kung saan kita ang mga facial reactions niya sa mga sinabi ni Sassa Gurl.

Tila nagulat siya nang mabanggit ni Sassa Gurl ang mga articles na isinulat noon tungkol sa kanila ni Jak, ngunit ngumiti at natawa siya nang pabiro na siyang binalaan ni Sassa Gurl.

Pinost din ni Barbie sa Twitter ang nasabing reaction video na may kasamang caption na, “LAGOT!!! Go gurl!”

Nag-reply naman dito si Sassa Gurl ng kanyang “public apology” kung saan tinawag niya si Barbie na “payat na babae” at "diyosa ng GMA.”

Ngunit matapos ang ilang oras, nag-post si Sassa Gurl sa Instagram ng isang parody photo ng dating Kapuso series na Kara Mia kung saan bida si Barbie, at tila hinamon niya ito.

Imbes na mukha ng kontrabidang aktres na si Mika dela Cruz ay mukha ni Sassa Gurl ang nakalagay dito at pinalitan niya ang title ng "Kara Mima."

May caption ito na, “Lagot tuloy na tuloy ang ngudngudan sa kanal.”

Instant hit ito sa mga netizens at pinusuan na rin ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie.

Kilalanin ang iba pang internet sensations na pumasok sa showbiz tulad ni Sassa Gurl sa gallery na ito.