Showbiz News

Maxene Magalona, faithful pagdating sa love at career

Faithfully, where she will be playing a challenging lead role. “Ako si Stella, isa akong tindera sa flower shop, simple lang na girl. Magkakaibigan kami nila Michelle Madrigal since mga bata kami, tapos magkakagusto ako dito kay Marc Abaya,” tells Maxene.  

Ayon pa sa pretty Kapuso actress, dapat abangan ng viewers ang Faithfully dahil bagong-bago ang istorya nito. “Oo, iba ‘tong show na ito. Masasabi kong very different. Alam  kong cliché when people say na ‘Iba po itong show na ito, at iba po ang makikita niyo rito!’ Ito talaga seryoso at ibang-iba! Usually kasi, umiikot lang ang istorya sa isang lalaki at sa isang babae. Ngayon, lima ‘yong babae, at napakadami rin ng mga lalaki. Kaya ‘di natin alam kung sino ba ang magkaka-partner.”

Lubos din ang pasasalamat ni Maxene sa GMA Network, na siyang nagbibigay sa kanya ng mga proyekto at maging sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya. “Oo, matagal akong nagpahinga. Pero as they always say, kahit matagal akong nagpahinga, natutuwa rin naman ako na mainit pa rin ang pagtanggap sa akin ng tao. Natutuwa rin ako sa ibinibigay ng GMA na projects, which I am very thankful of. Suki na ako sa afternoon timeslot ng GMA, kaya I’m proud to say that all of my shows did so well, and maganda 'yong istorya. Masayang-masaya ako sa ibinigay nilang roles,” says smiling Maxene.
 
On being faithful

Dahil na rin sa title ng kanyang show na Faithfully, di sinasadyang naungkat at napaamin si Maxene about people who became unfaithful sa kanya.”Actually, alam niyo sa buhay may mga times na may kaibigan ka and then magkakaroon kayo ng hindi pagkakasunduan. Pero it doesn’t mean na wala na ‘yong friendship or magkaaway na kayo forever. Kasi ako, marami akong hindi nakasundo in the past. True friendship will always stand the tests of time. It’s not always about quantity, it’s always about quality,” explains Maxene.

Maxene also denied rumors na sinugod niya ang dating boyfriend na si Neil Arce and Kapuso Actress Bubbles Paraiso sa Boracay. “Wala, wala, wala. Walang nangyaring ganun. Nagkita kami ni Bubbles, sa Boracay at makaibigan kami ni Bubbles noong may relationship pa kami ni Neil. Magkaibigan kaming lahat, so noong nagpunta kami ng Boracay, it wasn’t because nakita kong magkasama sila ni Neil. Wala namang nangyaring ganun. May time na nagsama-sama kaming lahat, and we just all forgot about everything, and we were happy together. We just want to be mature about it. Tama na 'yong high school, graduate na tayo riyan.”

Paglilinaw pa ni Maxene, walang third party na involved sa kanilang breakup ni Neil. ”Yes, pareho kaming faithful, walang third party involved. Naging faithful siya sa akin, and I can say na maayos talaga ‘yong relationship namin. In the end, if there are times na hindi magkasunduan, it’s much better na ‘wag na lang patagalin. Kaysa patatagalin niyo pa, pero 'di naman healthy ‘yong relationship niyo. Kailangan tanggapin niyo kung 'di talaga kayo para sa isa’t- isa 'di ba? Ganun lang dapat ‘yon,” says the young Kapuso actress.
 
Maxene talks about Faithfully

When asked kung daring ang magiging role niya saFaithfully, ito ang naging sagot ng Kapuso actress. “Actually, the story itself is daring. Napakatotoo niya, at napaka-raw ng story kaya kung ano ‘yong mga pwedeng mangyari sa totoong buhay, pwedeng mangyari sa show na ito,” says Max.

Ayon pa kay Maxene, 'di lamang sa love iikot ang storya ng Faithfully. “Actually ang story ng show na ito, kaya siya tinawag na Faithfully, kasi 'di lang siya tungkol sa love. Tungkol din ito sa family and friendship. Kaya dito mate-test at dito mo makikita kung faithful ka ba or unfaithful, sa mga tao sa buhay mo.”

Under the direction of Mike Tuviera, asahan na magiging mas mainit ang inyong hapon as Faithfully invades the afternoon block. Makakasama ni Maxene ang mga promising actors and actresses ng Kapuso network na sina Isabel Oli, Michelle Madrigal, Vaness del Moral, Isabelle Daza, Marc Abaya and Mike Tan.

Faithfully, premieres June 18 right after Kasalanan Bang Ibigin Ka? on GMA Afternoon Prime.