Kilalanin kung sino-sino ang mga kasabayan ni Marian Rivera na sumubok makuha ang sikat na role.
Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang nakasungkit sa role na 'MariMar.'
Sinubukan ding makuha ni Jennylyn Mercado ang role.
Bagay ba si Bianca King na maging si 'MariMar?'
Ipinakita ni Rhian Ramos ang kanyang galing sa pagsayaw sa kanyang audition.
Ang pagiging sweet naman ni Nadine Samonte ang kanyang ipinambato sa kanyang audition.
Hindi man nakuha ni Katrina Halili ang role, siya naman ang gumanap na main kontrabida sa show bilang si Angelika.
Kung nakuha ni Karylle Tatlonghari ang role, siya sana ang leading lady ng kanyang real-life boyfriend noon na si Dingdong Dantes.
Na-imagine ba ninyong si Camille Prats si 'MariMar?'
Bagay rin kay Pauleen Luna ang 'MariMar!' Sa buhok pa lang oh!
Litaw na litaw ang ganda ng half-Filipino half-Spanish na si Cheska Garcia.
Isa si LJ Reyes sa mga sumubok sa role na galing sa 'StarStruck.'
Dahil si Ryza Cenon ang itinanghal na Ultimate Female Survivor ng 'StarStruck Season 2,' hinangad niya rin ang maging si 'MariMar.'
Ipinakita ni Valerie Concepcion ang kanyang sexy physique sa suot niyang two-piece swimsuit sa kanyang audition.
Medyo foreign siguro ang pagsasalita ni 'MariMar' kung si Nancy Castiglione ang napili.
Bagay kaya si Jewel Mische kay Dingdong Dantes kung sakaling siya ang nakasungkit sa role?