Showbiz News

Pokwang, puno ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng GMA Network

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat si Pokwang ngayong isa na siyang Kapuso.

Ngayong June 18 ay ibinahagi ng GMA Artist Center na isa nang Kapuso ang comedy actress na si Pokwang.

Ayon sa new Kapuso star, masaya siya na tatawagin na siyang Kapuso ng mga manonood.

"Siyempre nakakatuwa 'di ba? 'Yung ating hashtag, welcome Kapusong Pokwang. Nakakatuwa at 'yun excited."

Photo source: @itspokwang27

Simula ng announcement na ito ay marami na ang nag-congratulate kay Pokwang. Ayon sa aktres, puno siya ng pasasalamat sa suportang tinatanggap mula sa fans at mga kasamahan sa showbiz industry.

"Wala ngang tigil 'yung aking Twitter e. Maraming, maraming salamat po sa tiwala na ako po ay magbibigay ng karagdagang kasiyahan po sa GMA Kapuso. Thank you."

Dugtong pa ni Pokwan,g may kaba rin siyang nadarama pero mas nangingibabaw pa rin ang saya sa bagong chapter ng kaniyang career.

"Siyempre may kaba 'di ba? Pero kapag iniisip ko 'yung mga nakaabang na proyekto, natutuwa po ako at na-e-excite ng sobra sobra."

Sa paglipat na ito ni Pokwang sa Kapuso Network ay hindi niya raw ine-expect ang magandang pag-welcome sa kaniya, kaya naman puno siya ng pasasalamat sa Kapuso Network.

"Hindi ko po ine-expect na ganito po kalaki ang pagsalubong sa akin. Nakakatuwa and naa-appreciate ko po ang effort. Thank you so much, thank you sa lahat lahat ng nasa likod nito. Sobrang nagpapasalamat na lang po ako. Sobrang thank you, thank you, thank you po sa lahat."

Tingnan ang mga fun facts about the new Kapuso comedian na si Pokwang sa gallery na ito: