Showbiz News

Pokwang, emosyonal sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career

By Maine Aquino

Emosyonal na nagpasalamat si Pokwang sa naging pag-welcome sa kaniya ng GMA Network.

Ngayong Biyernes, June 18, pinirmahan na ni Pokwang ang kaniyang kontrata bilang bagong Kapuso star.

Saad ni Pokwang sa kaniyang virtual contract signing, "Sa akin pong bagong tahanan, GMA, maraming maraming salamat po.

"Sa mga boss ko, thank you, thank you po sa tiwala ninyo. sa pagbukas po ng pintuan ninyo sa akin."

Photo source: GMA Artist Center

Bumuhos naman ang luha ni Pokwang habang patuloy na nagpapasalamat sa bagong yugto ng kaniyang showbiz career.

"Thank you po, maipagpapatuloy ko po ang gusto kong gawin bilang artista.

"Salamat po sa paniniwala ninyo sa akin.

"Isa pong malaking karangalan po na mapabilang ako sa tahanang ito. Maraming salamat po."

Kuwento pa ni Pokwang, ang kaniyang pagdarasal ang nagbigay daan sa kaniyang paglipat sa GMA Network.

"Iba po talaga nagagawa ng dasal. Thank you! Ito pong iniiyak ko ngayon.. sobrang tuwa po. Salamat and God bless us all."

Nag-iwan naman ng mensahe si Pokwang sa mga Kapuso na nag-welcome sa kaniya.

"Sa mga Kapuso, salamat po sa pagbukas po ninyo ng braso sa akin. Sa pagyakap sa akin, salamat po."