GMA Logo Lie After Lie
What's Hot

Back-to-back ang K-Drama sa primetime, simula June 21 sa GMA

By Marah Ruiz
Published June 19, 2021 10:00 AM PHT
Updated June 19, 2021 10:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Lie After Lie


Mapapanood ang back-to-back K-Dramas na 'Lie After Lie' at 'The Penthouse' simula June 21 sa GMA

Magkasunod mapapanood ang dalawang Korean drama sa primetime simula June 21.

Magsisimula na ang surprise hit Korean drama ng 2020 na Lie After Lie sa June 21, 9:35 pm. Mapapanood ito simula Lunes hanggang Biyernes.



Kuwento ito ni Eunice (Lee Yoo-ri) na makukulong nang sampung taon matapos maakusahang pumatay sa kanyang asawa. Sa kulungan na rin niya isisilang ang anak na si Emma (Go Na-hee).

Mapipilitan siyang iwan ang bata sa kanyang mother-in-law na si Diana (Lee Il-hwa) habang nasa kulungan pa siya.

Matapos makalaya, matutuklasan niya ang patung-patong na kasinungalingan na naging sanhi ng kanyang pagkakakulong at pagkakawalay sa anak.

Samantala, tuloy naman ang tagisan ng mga mayayamang pamilya sa The Penthouse, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 pm.

Samahan sina Cindy (Eugene), Simone (Lee Ji-ah) at Scarlet (Kim So-yeon) sa patuloy nilang pag-abot sa kanilang mga ambisyon, pati na sa mga pangarap ng kanikanilang mga anak.