advertisement
Showbiz News

Meet the cast of G.R.I.N.D., also known as 'Get Ready It's A New Day'

1 of 8

Lead stars

Sinisiguro ng lead stars na sina Ayra Mariano, Jazz Ocampo, Bruno Gabriel at Benedict Campos na hindi lang very relatable ang G.R.I.N.D. (Get Ready It's A New Day), kundi mas maiintidihan ng ibang parents ang behavior ng kanilang mga anak through the show.

2 of 8

Ayra Mariano

Ginagampanan ni Ayra Mariano ang karakter na si Lui Gonzales. Isang NBSB (no boyfriend since birth) na hopeless romantic din. May problema ang relationship ni Lui sa kanyang ina dahil sa mga affairs nito.

3 of 8

Jazz Ocampo

Si Jazz naman ay gumaganap bilang si Solanj Martinez, isang maldita na may soft spot. Very expressive si Solanj, lalo na sa kanyang pananamit at hair color.

advertisement
4 of 8

Bruno Gabriel

Si Bruno ay ang overachiever na si Carlo Yuson. Business minded si Carlo, pero maiiba ang takbo ng kanyang buhay once makilala niya si Lui.

5 of 8

Benedict Campos

Isang "millennial gay" ang karakter ni Benedict na nagngangalang RK Katakutan, Jr. Hirap sa buhay si RK, pero ginagawa rin niya ang lahat para umangat sa kahirapan.

6 of 8

Presscon

Sa presscon ay nagkaroon muna ng misa bago nagsimula ang question and answer portion para sa mga artista.

advertisement
7 of 8

Kim Rodriguez

Kasama rin sa cast si Kim Rodriguez bilang girl friend ni RK na may malalaman tungkol sa binata.

8 of 8

Abangan

Abangan ang bago nilang show sa GMA-7!