Showbiz News

Isabelle Daza, ayaw maging beauty queen

Faithfully sa GMA Afternoon Prime.

Matapang at walang alinlangang sinagot ni Isabelle, ang mga katanungan ni Showbiz Central host John “ Sweet” Lapus sa Don’t Lie to Me noong nakaraang Linggo.

Naging mainit ang mga kasagutan ng Kapuso host-actress sa ilang mga issues na ibinabato sa kanya and her mother Gloria Diaz, at sinagot din niya ang isa pang controversial question about her co-stars sa Faithfully.
 
Question: Totoo bang nag-iskandalo ang nanay mo sa isang magazine pictorial, dahil hindi niya nagustuhan ang iyong sexy outfit?
Isabelle says: Yes
Lie Detector says: Truth
Walang alinlangang inamin ni Isabelle ang ginawang pagsugod ng kanyang nanay na si Ms. Gloria, sa kanyang magazine pictorial, nang ‘di nito magustuhan ang suot niyang sexy outift. “She came inside at she saw. ‘Di niya nagustuhan ‘yong suot kong damit. Being her motherly instinct, sinabi niya na she doesn’t like what I am wearing and removed my clothes. ‘Yong mom ko kasi, medyo mataas ‘yong voice niya, so ayon. Natahimik lang ‘yong mga stylists.“  

Question: Totoo bang kung hindi ka anak ni Gloria Diaz ay sumali ka na sa isang beauty contest?
Isabelle says: No
Lie Detector says: Truth
“I think na beauty pageant is parang hindi ‘yon ang footsteps or parang ‘di ko naging dream ‘yon. I’m more on the tomboy side, and I like sports ‘yong mga ganun. I think okay na ako that my mom’s Ms. Universe. Okay na ako doon, and I’m proud of her that she won that crown. Tulad ng sabi mo, if I want a crown pwede ko rin namang isuot ‘yong kanya ‘di ba? My mom is very supportive kung ano ‘yong gusto ko kung basketball man ‘yan or football,” tells Isabelle.

Question: Kasama mo sa new show na Faithfully ang naggagandahang cast na sina Maxene Magalona, Isabel Oli, Michelle Madrigal at Vaness del Moral. Sa tingin mo, ikaw ang pinakamaganda sa inyong lima?
Isabelle says: Yes
Lie Detector says: Truth
“Syempre, I grew up and my mom would always tell me na ‘You’re the most beautiful!’ So it’s always ingrained sa akin. Of course, the people that I work with is napakagaling sa acting, singing and dancing. I’m just saying na love your own ‘di ba? ‘Yong apat, napakabait nila at napaka-patient 'pag nagkakamali ako. They teach me a lot. Direk Mike Tuviera is so patient with me.”
 
Abangan ang pagganap ni Isabelle Daza bilang Misha sa Faithfully, pagkatapos ng Kasalanan Bang Ibigin ka? sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din siya tuwing Linggo sa Party Pilipinas at sa iBilib: Wonders of Horus.