Showbiz News

Katrina Halili, Kelvin Miranda, atbp., aawit ng theme songs para sa 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta

Espesyal at talagang kaabang-abang ang month-long celebration ng 19th anniversary ng bagong Wish Ko Lang.

Bukod kasi sa mga magagandang pagbabagong hatid ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales sa mga wishers, mga bigating pangalan sa industriya ang magsasadula ng kanilang kuwento at kakanta ng theme songs nito.

Tama ang inyong nabasa, may indibidwal na theme songs ang limang 19th anniversary episodes ng bagong Wish Ko Lang.

Nauna nang naibalita na ang bagong Kapuso na si Pokwang ang gaganap bilang isang teacher-turned-principal na iibig sa kanyang dating estudyante sa “Ang Forever ni Ms. Virgie.”

Kasama niya sa cast ng nasabing episode na eere sa July 3 sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin, at Bench Hipolito.

At ang Prima Donnas actress naman na si Katrna Halili ang aawit ng theme song nito na pinamagatang “Tinamaan Sa'yo.”

Para naman sa pangalawang anniversary episode na “Mr. Right,” si Christoper de Leon ang gaganap sa lead role, samantalang ang The Clash Season 2 Grand Finalist na si Jeniffer Maravilla naman ang kakanta ng theme song nitong may title na “Kakayanin Ba?.”

Mapapanood naman ang “Mr. Right” episode sa July 10.

Sa July 17 naman, ang bagong Kapuso star na si Albert Martinez ang bibida sa episode na “A Second Chance.”

Si The Lost Recipe star Kelvin Miranda naman ang aawit ng theme song nito na may pamagat na “Maniwala Ka Lang.”

Para naman sa July 24 episode na “Isang Araw Pa” na pagbibidahan ng Love of My Life star na si Rhian Ramos, si The Clash Season 2 first runner-up Jeremiah Tiangco naman ang kakanta ng theme song.

At para sa pang limang 19th anniversary episode na “To Love Again” na eere sa July 31 at pagbibidahan ni First Yaya star Sanya Lopez, ang singer-actress na si Crystal Paras ang aawit ng theme song na “Ako Na Lang Sana.”

Kaya huwag palalampasin ang special offerings ng bagong Wish Ko Lang ngayong buong buwan ng Hulyo.

Abangan lahat 'yan tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

RELATED:

Istorya ng dalagang ginahasa ng ama, lolo, at kuya, tampok sa 'Wish Ko Lang'