Showbiz News

Kiray Celis, may pasaring sa body-shamers sa kanyang daring photo

By Aimee Anoc

Buong pagmamalaking ipinakita ni Owe My Love star Kiray Celis na proud siya sa kanyang katawan sa ibinahagi niyang Instagram photos.

Sa mga naturang photos, makikitang suot kung saan suot niya ang jeggings at cropped white halter top.

Sa isa niyang post, sinagot ni Kiray ang bashers at body-shamers na nang-insulto sa kanya sa comment sections ng nauna niyang posts.

Pahayag ng aktres na hindi ibig sabihin na nag-post siya ng “sexy” ay gusto na niyang magpabastos.

“Hindi porke't nagpo-post at nagsusuot ng sexy, gusto ng magpabastos… hindi ba puwedeng proud ako sa sarili kong katawan! Proud akong flat ako! Proud ako sa self confidence ko! Hindi ko na kasalanan kung may mag-bash manira, manlait, mambastos. Kaya kung anong comment niyo, nagre-reflect lang 'yun kung sino kayo bilang tao. Last na post na 'to sa outfit ko na 'to! HAHAHAHA!” post ni Kiray noong Miyerkules, June 23.

Sa kabilang banda, inulan naman ng suporta ang aktres mula sa kanyang mga tagasuporta.

“Napapansin ko lang kapag magandang artista nagsuot ng ganyan daming support, pinupuri halos.

"Pero 'pag bakit s'ya hanggang ngayon issue nu'ng una sa p'wet n'ya tapos ngayon ayan naman… nasa mindset naman ng tao 'yan kung ano iisipin n'ya. Pero para sa 'kin wala namang mali sa picture. Keep slaying bish!” suporta ni @larkspurbyurstruly sa post ni Kiray.

Dagdag pa ni @ayashidawn, “Kiray! Gusto kong manakit pero saying lang ang oras sa kanila! Kagigil ang mga bashers ha! Way to go, Kiray! Flaunt it! Go go go!"

Hindi na bago para kay Kiray ang mga nararanasang pamba-bash dahil noong May ay inulan din ng hindi magagandang komento ang kanyang Instagram post na nakasuot ng bikini sa pool.

Samantala, tingnan ang ilang pang sexy photos ni Kiray sa gallery na ito: