Showbiz News

Isabel Oli, nagpapakatatag sa pagpanaw ng ama



Nananatiling matatag at matapang si Kapuso actress Isabel Oli sa kabila ng kalungkutang nararamdaman sa pagpanaw ng kanyang ama noong Miyerkules, June 20.

“Buti na lang din na may work kasi at least nadadivert din yung attention ko,” says Isabel sa isang interview with Startalk TX last Saturday.

Ikinuwento rin ni Isabel na noong araw na iyon ay nasa taping siya ng Faithfully ng bigla siyang pinauwi ng kanyang ina na nagbabantay sa ama niya sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City. “Tinawagan ko ang sisters ko sa abroad at tsaka sa Cebu. Sinabi ko lahat habang nakikita namin yung heart rate niya wala na, pababa ng pababa,” Isabel recalls. Nasa tabi rin daw siya ng ama habang nire-revive ito ng mga doktor.

Isang taon ring nakipaglaban sa sakit na cerebral degeneration ang 73-year old dad ni Isabel na si Jorge Tan So.  Seven months rin itong comatose bago tuluyang namayapa.

“Sobrang rare. Alam mo yun, di mo alam kung ano next. E wala ngang cure yun,” paliwanag ni Isabel.  “Sinabihan na rin kami ng doctors kung anong [puwedeng mangyari]. Kung maging okay naman, parang for a short time lang kasi na-try na nila lahat, ganun talaga,” dagdag pa niya.

Mixed emotions din daw ang kanyang nararamdaman sa pagkamatay ng ama. “Bitter in the sense na wala na siya, pero sweet kasi I know na nasa heaven siya,” maikling sagot nito.

Ang presence ng ama sa lahat ng tapings ang pinakamamimiss ng aktres, lalo pa ngayon na may teleserye itong ginagawa. “Mamimiss ko sa kanya siguro yung ‘pag sinasamahan niya ako sa taping. Yun kasi hindi lang yun sasama tas uuwi, sasama talaga siya tas hanggang next day na rin. Sila ng mommy ko ganun yung ginagawa nila,” Isabel shares.

Inalala pa niya ang advice ng ama pagdating sa career. “Lagi naman niya sinasabi na parang sige, yung hard work of today yun daw yung parang magiging comfort din sa kinabukasan mo. So yun work hard, tapos magtipid,” kuwento niya.

Mr. Tan So’s remains were cremated last Thursday at magbabalik trabaho naman si Isabel this week.

Patuloy na abangan si Isabel Oli at ang mga kapana-panabik na pangyayari sa Faithfully, Mondays to Fridays sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7.