GMA Logo Wish Ko Lang 19th anniversary
What's Hot

Star-studded ang 19th anniversary ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published June 28, 2021 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Wish Ko Lang 19th anniversary


Alamin ang mga dapat mong abangan sa month-long celebration ng 19th anniversary ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong July.

Big month para sa bagong Wish Ko Lang ang July dahil ipagdiriwang nila ngayong buwan ang kanilang 19th anniversary.

At siyempre ang milestone na ito ay dapat na ipagdiwang sa isang espesyal na paraan.

Kaya naman para sa kanilang 19th anniversary, isang buwang selebrasyon na puno ng mga bigating artista, mga kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon at mga masasayang pagbabago ang hatid ng Fairy Godmother ng Bayan na si Vicky Morales.

Limang Wish Ko Lang episodes ang dapat ninyong abangan ngayong July na pagbibidahan ng mga naglalakihang artista sa industriya.

wish ko lang lineup

Ang mga naglalakihang bituing bibida sa 19th anniversary ng Wish Ko Lang / Source: Wish Ko Lang

Para sa first 19th anniversary episode ngayong Sabado, July 3, ang bagong Kapuso na si Pokwang ang gaganap bilang isang principal na ma-i-in-love sa kanyang dating estudyante sa "Ang Forever ni Ms. Virgie."

Makakasama ni Pokwang sa episode na ito sina Jeric Gonzales, Arra San Agustin at Bench Hipolito.

Sa July 10 naman, ang premyadong aktor na si Christopher de Leon ang bibida sa “Mr. Right” episode.

Para sa kanilang pangatlong anniversary episode na eere sa July 17, ang award-winning na bagong Kapuso star na si Albert Martinez naman ang bibida sa episode na “A Second Chance.”

At sa July 24, si Love of My Life star Rhian Ramos naman ang gaganap sa lead role ng kanilang “Isang Araw Pa” episode.

At bilang pang huling 19th anniversary offering ng bagong Wish Ko Lang, ang First Yaya star na si Sanya Lopez ang bibida sa kanilang “To Love Again” episode na eere sa July 31.

Bukod pa riyan, may espesyal na theme song din ang bawat episode na aawitin nina Katrina Halili, Kelvin Miranda, Jeremiah Tiangco at Crystal Paras.

Kaya huwag palalampasin ang limang Wish Ko Lang 19th anniversary episodes ngayong buwan ng Hulyo. Panoorin lahat 'yan sa bagong Wish Ko Lang, tuwing Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang isa pang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: