Showbiz News

Kilalanin ang bagong Kapuso Heartthrob na si Benjamin Alves!



Isang bagong Kapuso heartthrob ang siguradong mamahalin at titilian ng lahat ng kababaihan. Sa live interview ng Showbiz Central host Jennylyn Mercado last Sunday, nagpakilala ang good-looking nephew ni Piolo Pascual na si Benjamin Alves.

Kaabang-abang ang bagong Kapuso actor, dahil he’s every inch the matinee idol. ‘Di lamang ito pogi, may binatbat din ito pagdating sa academics, dahil he graduated as Summa Cum Laude  sa University of Guam. Promising din ito pagdating sa drama, dahil certified book and film lover siya. Sa katunayan, he writes fictional stories and plays at member din siya ng acting guild sa kanilang school. ‘Di lamang mahusay sa pagsusulat si Benjamin, dahil isa rin siyang Math Olympian since grade school.

Aside from being excellent in academics, he’s also an athlete. In fact, he’s a member of an all-island basketball team at isang American football team sa Guam. Maganda rin ang attitude ng actor towards acting, at willing siyang matuto.

Indeed, whole package na si Benjamin dahil 'di lamang siya pogi at matalino, very passionate rin siya sa kanyang craft.

Masayang-masaya at excited si Benjamin, and very ready nitong hinarap ang hot seat ng Showbiz Central. “Good Afternoon everyone! Thank you for having me, Ms. Jennylyn Mercado, I’m very excited. Thank you po. Thank you for having me here,” pagpapasalamat ng bagong Kapuso heartthrob.

Nagpasalamat din ito sa Party Pilipinas na siyang nagbigay sa kanya ng warm welcome sa unang araw niya sa show, at sa mga tao na nagbigay sa kanya ng big break. “Grateful po ako kasi it’s the first time that they have a launch like that for an artist. Thank you Direk Mark Reyes, Ma’am Annette Gozon-Abrogar and Ms. Lilybeth Rasonable for entrusting me sa ganung launching.”
 
On his showbiz plans

Tinanong ng Showbiz Central si Benjamin kung ano ang tunay na dahilan ng pag-uwi niya sa bansa. Naging mabilis naman ang sagot ng actor nang sabihin nito na he wants to pursue his showbiz career first. “Showbiz muna siguro, a hundred percent. Nandito na po ‘yong blessing. Like my dad said, it’s a blessing from God  so mahirap umayaw sa blessing na ibinigay na ‘di ko naman pinlano. The Master’s and PhD, pwede naman siya later on.”

Dagdag pa ng actor, advantage para sa kanya ang pagiging kamag-anak ng actor na si Piolo. “Advantage talaga. You get noticed faster, ‘yong expectation po nila, it’s a challenge. So we are doing workshops here in GMA, under Direk Maryo De Los Reyes. I’ll be prepared and so excited.“

Nag-eenjoy din si Benjamin sa GMA workshops, kasama ang ibang mga Kapuso stars. “It’s fun. I met Rocco Nacino, Mark Herras, Sarah Lahbati and Kylie Padilla. It’s just fun, they are nice people,” kwento ng Kapuso actor.  
 
Benjamin talks about his assets

Bukod  sa pagiging good-looking at pagkakaroon ng magandang features and physique, nakabibilib din ang kanyang attitude towards acting. “I’m a passionate about acting. Like what my mom said, drama actor ako noong high school. I just want to showcase ‘yong  talent na’yon for acting, and hopefully sana pag nagawa na ang voice, dancing at acting lessons, sana may talent din po ako sa singing and dancing,“ ayon sa actor.

When asked about the sexiest part of his body, tila nahihiya pa ang Kapuso heartthrob na sagutin ang tanong. “Abs daw. Eyes din siguro, I think I was told that I have expressive eyes,” nakatawang sagot ni Benjamin.  
 
On leading ladies

Nang tanungin kung sino ang gusto nitong makapareha, biglang naalala ng actor ang dapat sanang pagtatambalang movie nila ng host na si Jen. “I know we were supposed to do a movie dati, but hopefully we get to work together in the future (referring to Jen),” recalled Benjamin.

Biniro rin nito si Jen nang tanungin siya kung ano ang tipo niyang babae. “Beautiful eyes, lips and voice. I heard you sing earlier.”

Natawa lamang si Jen, at sa halip ay binaling nito ang pagbibiro sa mga fans sa studio. “Kaw talaga, ‘wag kang ganyan magkakaroon tayo ng fans club niyan.”

The Kapuso actor also revealed na nakapila ang projects ng GMA Network for him. “Well, I have three movies with GMA. I think I’m a part of the movie Conyo Problems an entry for the Metro Manila Film Festival (MMFF) this December, and I have a soap opera in August. I think baka tayo ang magkasama doon (muling pagbibiro nito kay Jen).”  

Sa ngayon, ay wala pa ring idea ang actor sa title ng soap opera na kabibilingan niya. “Wala pang title, ‘di pa nasasabi sa akin. ‘Yong mga makakasama ko, secret pa!”

Panoorin ang promising Kapuso heartthrob na si Benjamin Alves sa Party Pilipinas, every Sunday sa GMA.