GMA Logo pokwang and jeric gonzales
What's Hot

Pokwang, naka-relate sa role niya sa 19th anniversary episode ng 'Wish Ko Lang'

By Racquel Quieta
Published July 1, 2021 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

pokwang and jeric gonzales


Bakit kaya naka-relate ang bagong Kapuso star na si Pokwang sa role niya sa bagong 'Wish Ko Lang?'

Ngayong Sabado, July 3, na mapapanood ang unang 'Wish Ko Lang' 19th anniversary episode na “Ang Forever ni Miss Virgie” na pagbibidahan ng bagong Kapuso star na si Pokwang.

Tiyak tatawa at kikiligin ang lahat sa tambalan nila ni Jeric Gonzales sa May-December love story na kanilang isasadula na puno ng aral at inspirasyon.

jeric gonzales and pokwang

Sina Jeric Gonzales at Pokwang sa “Ang Forever ni Miss Virgie” / Source: Wish Ko Lang

Isang titser ng subject na Filipino ang karakter ni Pokwang na si Virgie.

Sa sobrang dedikasyon ni Virgie sa kanyang trabaho ay hindi na siya nakapag-asawa.

Ngunit sulit naman lahat ng kanyang sakripisyo dahil kinalaunan ay na-promote siya bilang principal ng kanilang paaralan.

At nang makamtan na ni Virgie ang tagumpay sa kanyang karera, 'di niya lubos akalain na ang kanyang buhay pag-ibig naman ang susunod na uusbong.

Sa 25th anniversary ng kanilang paaralan, muling makikita ni Virgie ang dating estudyante na si Joshua, na gagampanan ng Kapuso hunk actor na si Jeric Gonzales.

At sa hindi inaasahang pangyayari ay mahuhulog sila para sa isa't isa.

jeric gonzales and pokwang

Isa sa mga kaabang-abang na eksena nina Pokwang at Jeric Gonzales / Source: Wish Ko Lang

Ngunit tulad ng nangyayari sa mga fairytale, may kontrabidang nais buwagin ang matamis na pagtitinginan nina Virgie at Joshua.

Ito ay ang kanyang ex-girlfriend na si Pauline (Arra San Agustin) na dati ring estudyante ni Virgie.

Bukod pa riyan, may pag-aalinlangan din si Virgie na makipagrelasyon kay Joshua dahil batid niyang malaki ang agwat ng kanilang edad.

Arra San Agustin

Si Arra San Agustin bilang si Pauline / Source: Wish Ko Lang

Sa isang pahayag, sinabi ni Pokwang na nakaka-relate siya sa karakter niyang si Virgie dahil mas lamang ang edad niya nang kaunti sa kanyang asawa na si Lee O'Brian.

“Relate ako dahil mas may edad ako kay Papang. (laughs) 3 years lang.”

Ayon din kay Pokwang, siya mismo ay may natutunan sa kuwento ni Virgie.

“Ang lesson na natutunan ko ay pagdating sa pag-ibig nagiging tama sa mata ng Diyos ang mga bagay na mali sa mata ng tao.

“Kasi tayo madaling manghusga pero ang Diyos kapag sa Kanya galing ang dahilan bakit kayo nag-iibigan, kahit pa malayo ang agwat ng edad n'yo, walang makakapigil at walang makakapaghiwalay sa inyo.

“Dahil tunay at wagas kapag Siya ang nagbigay lalo na't pinagdasal mo naman ito nang taimtim sa Kanya.

jeric gonzales and pokwang

Isa sa mga eksena sa “Ang Forever ni Miss Virgie” Source: Wish Ko Lang

Sinabi rin ni Pokwang na nagagalak siyang maging parte ng 19th anniversary ng bagong 'Wish Ko Lang.'

“Sobrang excited kasi kasama ako sa mahalang pagdiriwang ng programa, ang kanilang anibersaryo, nakakatuwa talaga.”

Makakasama rin nina Pokwang sa “Ang Forever ni Miss Virgie” sina 'The Clash' Season 3 finalist Jennie Gabriel at ang Sarah Geronimo look-alike na si Bench Hipolito.

At may espesyal ding theme song ang nasabing episode na “Tinamaan Sa'yo” na inawit ni Katrina Halili.


Huwag palalampasin ang unang 19th anniversary offering ng bagong Saturday afternoon habit ng bayan, ang 'Wish Ko Lang,' ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA-7.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.

Balikan ang isa pang istorya ng pagtataksil ng isang mister na pinutulan ng ari ng kanyang misis sa gallery na ito: