Showbiz News

Doraemon Adventures mapapanood na sa GMA simula July 1!

Samahan ang paboritong cartoon character na si Doraemon at ang kanyang mga kaibigan sa kanilang mga kakaiba at out-of-this world na adventure sa Doraemon Adventures presents Nobita and the Animal Planet tuwing Linggo ng umaga simula July 1.
 
Ang programang ito ay tungkol sa adventures ni Nobita na mananaginip na pumasok sa isang misteryosong pink fog. Makalalabas siya sa isang forest at makikita niya ang iba't ibang hayop na nag-uusap. Pagkagising, kumbinsido si Nobita na ang nakita niya sa panaginip ay totoo. Kaya nang kinagabihan, nakita niyang muli ang misteryosong pink fog at hindi na ito nag-alangan na pasukin ito. Dito niya madidiskubre na ang pink fog ay ang pintuan para makapasok sa Animal Planet! 
 
Alamin kung sino ang makakatagpo at makakasama nina Doraemon, Nobita at iba pang mga kaibigan sa kanilang out-of-this-world adventure sa Animal Planet. Sinu-sino ang mga bagong kaibigan na makikilala nila sa kanilang paglalakbay?
 
Mapapanood na ang Doraemon Adventures presents Nobita and the Animal Planet ngayon July 1, tuwing Linggo, 9am sa GMA.