Showbiz News

Poll Results: Anong drama series na magsisimula ngayong June ang pinakaaabangan mo?

Halatang excited na excited ang fans ng tambalan nina Alden Richards at Louise delos Reyes sa kanilang unang lead roles sa One True Love dahil ito ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa latest poll ng GMANetwork.com.
 
Sa tanong na “Anong drama series na magsisimula ngayong June ang pinakaaabangan mo?” nanguna ang pumalit sa My Beloved na One True Love with 453 votes (or 44%).  Sumunod naman dito ang Makapiling Kang Muli nina Richard Gutierrez and Carla Abellana with 315 votes (or 28%). Nakakuha naman ng 147 votes (or 13%) ang pinakabagong afternoon series na Faithfully. Nahigitan nito ng isang porsyento ang My Daddy Dearest na pinagbibidahan ni Ogie Alcasid na nakakuha ng 134 votes (or 12%). 65 votes (or 6%) naman ang nakuha ng Kasalanan Bang Ibigin Ka? starring Jackie Rice, Geoff Eigenmann, and Michael de Mesa.
 
Kahit nitong Hunyo lamang nagsimulang umere ang mga teleseryeng ito ay namamayagpag na sa ratings dahil sa kakaibang kuwento at kapana-panabik na mga pangyayari.
 
Halimbawa na ang Afternoon Prime shows na Kasalanan Bang Ibigin Ka? at Faithfully na nagiging lalong mas kaabang-abang ang mga episodes. Sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?, hahanapin ni Jaime ang si Leslie dahil nakatanggap ito ng tawag na nasa panganib daw ang anak. Si Bianca naman ay magsisimulang magkaroon ng feelings para kay Jake na lalong magpapakumplikado sa kanilang sitwasyon.
 
Mapapahiya na naman si Stella sa Faithfully.  Ito ay matapos niyang sugurin si Misha na inaakala niyang kabit ng asawang si Kevin.  Malalaman niyang humihingi lang ng comfort ang kaibigan sa kanyang asawa pagkatapos nitong malaman na bading ang boyfriend niya.
 
Sa Telebabad shows naman, nagiging exciting na rin ang mga kaganapan sa My Daddy Dearest dahil nagiging mas malapit na sina Bong at Daisy.  Hindi naman titigil sina Marco at Mercedes sa paninira kay Bong para makuha ng kumpanya.
 
Sa Makapiling Kang Muli, magiging malungkot na naman si Martin ngayon nagkabalikan na sina Graciela at Louie.  Hindi rin siya ang mapipiling supervisor ng Rancho Paradiso dahil sa kapalpakang nagawa.
 
Kabaliktaran naman ang nangyari kina Tisoy at Elize sa One True Love. Pagkatapos malaman ni Elize na nag-aaral ulit si Tisoy para sa kanya ay nagpasya itong ipagtapat na sa binata ang nararamdaman.  Nauwi ito sa pag-amin nila ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
 
Patuloy na abangan ang susunod na mga eksena sa inyong paboritong teleserye sa Afternoon Prime, weekdays after Eat Bulaga, at sa GMA Telebabad, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras.