Showbiz News

Kris Bernal, nabiktima ng 23 fake food delivery bookings

By Serina Joyce Duque

"All I know is I didn't do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment," pahayag ni Kapuso actress Kris Bernal sa kanyang Instagram post.

Kaugnay ito sa lagpas 23 fake food delivery bookings na natanggap ng aktres simula pa noong Sabado.

Sa magkakasunod na posts, ipinahayag ni Kris ang frustration at stress na idinulot ng isang "Jenjen Manalo" hindi lamang sa kanya at sa kanyang ina, kundi pati na rin sa mga nabiktimang food delivery riders.

Sa video ng usapan sa pagitan ni "Jenjen" at ng isang rider, maririnig na panay ang pilit ng babae na para sa aktres talaga ang orders na kanyang ipinadala.

"Pakisabi d'yan kay Kris Bernal, tingnan niya 'yung Messenger niya. May umorder lang din sa'kin at dalhin daw sa bahay nila.

"Hay nako, kuya! Hindi ko kasalanan 'yan. Kasalanan 'yan ni Kris Bernal," giit pa ng babae.

Umani naman ng suporta ang former Impostora star matapos niyang dalhin sa Instagram ang panawagang ma-block na sana ang number ni "Jenjen" nang wala na itong mabiktima pang riders.

Ani ng The World Between Us actor Tom Rodriguez, sobrang dehado ang riders sa ganitong klaseng panloloko.

Comment naman ni To Have and To Hold star Carla Abellana, na-stress din daw siya para sa ina ni Kris na siyang humaharap sa riders.

"Grabe na 'yan," sabi ni Kapuso actress Shaira Diaz.

Sa isa pang video, nabunyag ding nagpapanggap umanong assistant ni Kris si "Jenjen" para makapanloko naman ng small businesses.

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)

Agad na pinaalalahanan ni Kris ang kanyang followers na mag-cross check muna bago padalhan ng packages ang mga nagpapakilala bilang siya.

"I'll never ask someone to order for me. I'll order and buy it personally," dagdag pa ng aktres.

Sa kanyang Instagram story, inilahad ng aktres na nakikipag-ugnayan na sa kanya ang delivery app na Grab Philippines ukol sa insidente.

Nagpapasalamat din si Kris sa lahat ng tumulong at nag-share ng kanyang posts.

"I feel really bad for the riders," dagdag pa niya.

Paalala ni Kris sa mga kapwa niya personalidad, mag-ingat at kung maaari ay mag-provide na lamang ng ibang pangalan, contact number, at address kung kinakailangang magbigay nito.

Maliban sa ganitong scam, madalas din mabiktima ang mga artista ng hackers online. Tingnan sa ibaba ang mga celebrities na nakaranas ng hacking: