
Aminado si Dave Bornea na isa rin siya sa mga nakaranas ng anxiety ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
"I think lahat naman po yata ay hindi nakalusot sa anxiety.
"Lahat naman po yata ay nakaranas no'n dahil nga dito sa pandemic" sabi ni Dave sa ginanap na virtual media conference para sa digital series na GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes.
Pero sa halip na malungkot sa mga pangyayaring dulot ng pandemic, itinuon ng 26-year-old Kapuso aktor ang kanyang pansin sa kanyang hilig sa pagsasayaw.
"Ang ginawa ko lang din sa pandemic, sinayaw ko na lang," sabi ni Dave na madalas na nag-e-entertain ng kanyang fans sa pamamagitan ng kanyang dance videos sa TikTok.
Patuloy niya, "Sinayaw ko na lang since may talent naman tayo at saka hobby naman natin ang sumayaw.
"Nagturo ako ng dance class through online. 'Yun ang nagpagaan ng pandemic life ko."
Bagamat bago sa kanya ang pagtuturo ng sayaw sa pamamagitan ng online class, hindi raw ito naging mahirap dahil, bukod sa hilig niya, todo suporta rin ang kanyang mga kaibigan.
Sabi ni Dave, "May mga friends din ako sa dance community, sila 'yung nag-push sa akin na, 'How about magturo ka naman?'
"'Yun, since may mga gusto rin namang matuto and may fanbase din tayo na gustong sumali even though hindi rin naman sila into dancing.
"So 'yun, nakakapag-inspire lang kumbaga."
@davebornea23 Lez get it bro! 🔥 dc: @inthebeningging0
♬ original sound - no one
Para kay Dave, hangga't maaari, iniiwasan niya ang pagiging negatibo sa panahon ngayon.
"'Yung bad vibes naman ini-ignore ko 'yan, ayaw kong i-attract o i-absorb 'yun, mas mabuti na iwasan na lang.
"Kung may naka-bad vibes ka na kakilala mo, pag-usapan n'yo, pilitin n'yong maging masaya lang.
"Kasi, sa dami-raming nangyari sa mundong ito, bakit naman tayo magpapaka-stress.
"Life is too short kaya piliin nating maging masaya," diin ng binatang aktor.
Samantala, bukod sa pagsasayaw, good vibes din ang hatid ng trabaho para kay Dave.
Kamakailan lang ang naging bahagi ang hunk actor ng GMA Afternoon Prime series na Babawiin Ko Ang Lahat.
Simula naman sa Sabado, July 10, mapanoood si Dave sa online sitcom na GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes.
"'Yung character ko rito medyo may pagka-feminine. Parang gusto hulihin ng mga boys kung ano ba talaga ako. Sa dulo, doon nila malalaman kung ano talaga 'yung pagkatao ko," paglalarawan niya sa kanyang karakter na si Zeus Alanganin.
Makakasama ni Dave na bibida sa digital series sina Jerome Ponce at Nikko Natividad.
Kahit galing sa ibang network ang mga kasama ni Dave, makikita raw ang pagiging close niya kina Jerome at Nikko sa programang ito.
Patunay ng direktor nilang si Don Cuaresma, "Pero noong napili na sila, sabi ko, I need a chemistry test.
"Ayaw ko naman na papasok sila sa lock-in taping... importante ang chemistry sa comedy, e. It's either you have chemistry or you don't.
"So, sabi ko, bago tayo pumasok sa lock-in taping, I need a chemistry test na live 'yung tatlo.
"So, we had a camera test and, luckily, effective 'yung tatlo, naging effective yung kanilang chemistry.
"Kaya ang saya-saya ng taping, ang saya-saya ng show."
Dadagdag sa sayang hatid ng GVBoys ang mga komedyanteng sina Wilma Doesnt, Elsa Droga at Carmi Martin.
Ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes ay binubuo ng walong episodes at dalawang special episodes. Ito ay mapanonood sa Facebook Page at YouTube channel ng Puregold simula ngayong Sabado, July 10.
Samantala, tingnan ang ilan pang larawan ng Cebuano hottie rito: