Showbiz News

Maiinit na kissing scenes ni Jackie at Geoff, pinagselosan nga ba ni Carla?



Walang pinalagpas na katanungan, at  hindi pinahirapan ni Jackie ang Showbiz Central host na si John “Sweet” Lapus sa Don’t Lie to Me segment noong nakaraang Linggo, dahil hindi  ito nagsinungaling sa pagsagot sa kanyang mga questions.

Nakagugulat ang mga rebelasyon ng sexy Kapuso actress nang sagutin nito ang mga issues na ibinabato sa kanya, kabilang ang  tumitinding tension between her and FHM’s Finest Sam Pinto at  ang napabalitang  pagseselos ni Kapuso actress Carla Abellana sa mga maiinit nilang kissing scenes ng kanyang co-star na si Geoff Eigenmann,  sa Afternoon Prime show nilang Kasalanan Bang Ibigin ka?

Question: Sa iyong palagay, nagselos ba ang girlfriend ni Geoff na si Carla Abellana nang makita niya ‘yong maiinit niyong kissing scenes sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?
Jackie says: No
Lie detector says: Truth
“Wala naman po siyang dapat pagselosan. Kasi maganda siya, matalino at sexy din di ba? Alam ko na sobrang in love si Geoff, at mahal niya si Carla. Trabaho, trabaho lang talaga,“ explains Jackie.

Question: Totoo ba ang balita na halos magkasakit ka na sa kaka-diet, para sa FHM cover mo?
Jackie says: No
Lie detector says: Truth
“Hindi ko talaga alam kung  bakit ako pumayat ng ganito. ‘Di ko talaga alam, pero ‘yong iba 'Wow! Ang payat mo!' Hindi ba gusto nilang makuha ‘yong ganitong katawan? Pero ako, ‘di ko naman gustong pumayat ng ganito. Siguro sa trabaho or sa puyat, kasi kumakain naman ako at nagra-rice naman ako at nag-e-exercise rin naman ako. After 6:00 PM ‘di na ako kumakain ng rice, pero tuwing umaga, breakfast at lunch, kumakain ako ng rice,” shares the Kapuso actress.
 
Question: Masasabi mo bang ang gandang ‘yan na pang-FHM no.7, ay gandang walang retoke?
Jackie says: Yes
Lie detector says: Truth
Umamin si ang stunning actress na pumasok sa kanyang isip na magpa-retoke noon. “Sa lagay kong ito, magpapa-lipo pa kaya ako? Noong bata pa ako, gusto ko magpa-liposuction. Pero bata pa ako para gawin’yon and marami naman ang pwedeng gawin para pumayat gaya na lang ang exercise,” pabirong sinabi Jackie.

Question: Sa tingin mo, kung nangampanya ka rin tulad ni Sam Pinto, ma-de-dethrone mo ba siya bilang FHM’s Sexiest?
Jackie says: Yes
Lie detector says: Truth
“Lahat kami may chance maging number one, at syempre si Sam ‘yong binoto ng tao at syempre deserving naman siya. Kampanya lang talaga, siguro by next year mangangampanya na rin ako.”

Panoorin si Jackie Rice sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?, pagkatapos ng Hiram na Puso sa GMA Afternoon Prime at sa Bubble Gang tuwing Biyernes.