
Matapos magpakilig sa Heartful Cafe, umaasa si David Licauco na makagawa ng marami pang proyekto sa GMA bilang leading man.
Nito lamang Miyerkules, July 7, pumirma ng panibagong kontrata ang aktor sa GMA Network.
Kaugnay nito, pinangalanan niya ang iba pang mga artistang nais niyang makatrabaho sa hinaharap.
Unang-una sa listahan ang kapareha niya sa Heartful Cafe na si Julie Anne San Jose.
"If given a chance, gusto ko pa rin makatrabaho si Julie. Siyempre, gusto ko 'yun, since marami na kaming fans.
"Napakadali niyang katrabaho and magaling siya, e! So, hopefully, si Julie pa rin makatrabaho ko sa next," paliwanag ng Chinito heartthrob.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, pangarap din ni David na makatrabaho si award-winning actress Bea Alonzo, na isa na ring Kapuso ngayon.
Mataas daw ang paghanga ng binatang aktor kay Bea at sinabing palagi niyang pinapanuod ang mga pelikula nito.
"Medyo far-fetched 'yun but then it's just a dream of mine kasi pinapanuod ko lagi ang mga movies niya," pagbabahagi ni David.
Nais din ni David na makatrabaho ang matagal na niyang "crush" na si Heart Evangelista.
Gayundin sina Sanya Lopez, Barbie Forteza, Bianca Umali, at Arra San Agustin.
Una nang napanuod sa GMA Network si David sa fantasy-action series na Mulawin vs. Ravena noong 2017.
Samantala, tingnan ang ilang thirst trap photos ni David dito: